top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Regine, naimbiyerna sa mga nagsasabing bored na sa bahay, sinermunan

  • Vinia Vivar
  • Apr 17, 2020
  • 3 min read

Tila naiirita na si Regine Velasquez sa mga nagra-rant sa social media na bored na sila kaya naman nagbigay siya ng napakagandang payo sa mga ito.

Pahayag ni Asia’s Songbird, sana raw ay tumigil na ang ibang nasa bahay sa pagsasabing bored sila gayung ang daming nasa hospital na gustung-gusto nang makauwi ng bahay.

Para sa kanya raw ay hindi isolation kung kasama mo naman sa bahay ang mga taong mahal mo.

“Just sharing. I do not consider isolation having to stay at home with who I love. Isolation is what the seriously ill are experiencing.

“Stop saying that you are bored, upset that you can't leave the house; while everyone in the hospital wants to go home,” ang simula ni Regine sa kanyang Instagram post.

Kaya dapat daw ipagpasalamat kung nasa bahay ka at kapiling ang mga mahal sa buhay.

Aniya pa ay napakaraming puwedeng gawin sa bahay at inisa-isa niya ang mga ito.

"So, thank God if you have to stay at home, because despite everything, with money or without money, with a job or without a job, you are in the best place you could be, at home, surrounded by who loves you!

“Perhaps it is time to transform your house into a wonderful place to stay, a place of peace and not of war, of embrace and not of distance.

“Anyway, look with different eyes at the situation you are experiencing!!

“Make your house a party: Listen to music, sing, dance...

“Make your house a temple: Pray, meditate, ask, thank, praise...

“Make your home a school: Read, write, draw, paint, study, learn, teach ...

“Make your house a store: Clean, order, organize, decorate, label, move, sell,

donate...

“Make your house a restaurant: cook, eat, try, create recipes, grow spices, plant a garden ...

“Anyway ... make your house, your family, a place of love,” ang payo ni Regine.

Makikita naman din talaga sa mga posts ni Regine na mukhang hindi siya nabo-bored at happy siyang kasama ang pinakamamahal na asawang si Ogie Alcasid at anak nilang si Nate.

Bukod dito ay nakakapag-donate rin sila para sa mga apektado ng health crisis na dinadanas ng bansa ngayon.

@@@

Habang hindi pa nagbabalik sa normal ang lahat at wala pang taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, stay put lang muna ang dalawa sa cast na sina Benedict Cua and Faith da Silva.

Sa mga hindi pa nakakakilala sa dalawang Kapuso newbies, si Benedict ay isang sikat na You Tube vlogger at dito rin siya napansin ng GMA-7 management at inalok na maging artista. Acting debut niya ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na pinagbibidahan nina Barbie Forteza and Kate Valdez.

Si Faith naman ay anak ng dating aktor na si Dennis da Silva na first boyfriend ni Ruffa Gutierrez.

Ibinahagi ng dalawa ang kanilang daily routine ngayong nasa enhanced community quarantine at nasa bahay lang.

“I stay productive by doing things I don't normally have time for such as meticulously cleaning the house. I make sure that every corner of the house

is cleaned and disinfected well,” pahayag ni Faith in an e-mail interview.

Sabi naman ni Benedict, “By planning what you want to do beforehand, you’ll be able to do things accordingly the next day. Self-discipline is the key!”

Paano sila naaapektuhan ng COVID-19 pandemic?

“Just like everyone, natatakot din ako lalo na when you witness the numbers increase every day. Nakakapraning ang bawat kilos. But you have to always be cautious by continuously disinfecting, washing your hands, wearing medical masks, and practice social distancing,” sagot ng sikat na vlogger.

“I'm sure hindi lang po ako ang apektado, kundi ang buong mundo.

Maraming trabaho ang napatigil at dahil dito maraming tao ang nahihirapan.

Nawalan ng pera pambili ng makakain,” ani Faith.

Parehong aminado ang dalawa na nami-miss na nilang magtrabaho at mag-taping ng kanilang serye.

“Siyempre naman, miss na miss ko silang lahat. Pero mas miss ko na magtrabaho. Kasama 'yung mga crew, staff at mga directors namin. I hope safe silang lahat,” ani Faith.

Sa pagbabalik sa ere ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday kapag back to normal na ang lahat, ayon sa dalawa ay marami pang dapat abangang mga eksena.

“Marami pa pong mga exciting scenes na aabangan dahil pa-intense na nang pa-intense ang storyline natin,” saad ni Benedict.

Ayon naman kay Faith, sa ngayon ay hindi pa masyadong nakikilala ng tao ang kanyang karakter na si Agatha at ito ang dapat abangan sa pagbabalik ng serye.

“Maraming dapat abangan na interesting. Katulad sa character ni Agatha, hindi pa naman masyadong naipapakita kung sino talaga s’ya, at kung anong mga plano n’ya para kay Ginalyn (Barbie). So, abangan n'yo ang mga confrontation scenes namin,” pagbabahagi ni Faith.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page