top of page

Pagpapa-xerox ng social amelioration form, bawal

  • V. Reyes
  • Apr 17, 2020
  • 1 min read

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa hindi awtorisadong pagkopya o photocopying ng form para makakuha ng social amelioration card na kailangan sa emergency subsidy program ng pamahalaan.

Ayon kay DILG Spokesman Undersecretary Jonathan Malaya, hindi maaaring maipa-xerox ang mga form dahil may nakatakdang numero at bar ccode ang bawat isang kopya nito.

“Nais ng gobyerno na mabilis na maipaabot ang pinansiyal na ayuda sa mga mahihirap sa gitna ng COVID-19 crisis pero binabalaan po ang publiko laban sa pekeng social amelioration forms," ani Malaya.

"Hindi ito for sale at lalong hindi for reproduction maging ng LGUs o sinumang indibidwal o grupo,” dagdag ng opisyal.

Sinabi ni Malaya na ang mga mahuhuling nagpa-photocopy ng forms ay maparurusahan sa ilalim ng umiiral na batas laban sa pamemeke.

Kasabay nito, tiniyak ni Malaya na nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development ang kontrol ng distribusyon ng cash aid sa mga mahihirap na pamilya sa bansa.

"Kasabay ng pagpapabilis ng pamamahagi ng ayuda mula sa social amelioration program ay ang pagtitiyak na makakarating ito sa mahihirap at hindi sa bulsa ng mga tiwali’t mapagsamantala,” ayon pa kay Malaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page