top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nakasakay sa barko na maraming pagkain, sign na ligtas sa COVID-19

  • Socrates Magnus
  • Apr 17, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Zazz na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Napanaginipan ko na nakasakay ako sa barko. Natakot ako dahil hindi ako marunong lumangoy, gayundin, iniisip ko na kapag lumbog ang barko, malulunod ako. Kaya lang, sa panaginip, hindi ako nakalabas ng cabin o 'yung room sa barko.

Masarap 'yung mga pagkain tulad ng malalaking karne, prutas at may mga malalaking isda rin. Sinabi ko sa aking sarili na okey naman pala sa barko at nawala ang takot ko. Akala ko ay totoong nakasakay ako sa barko dahil paggising ko ay parang sumakay talaga ako sa barko.

Naghihintay,

Zazz

Sa iyo Zazz,

Alam mo, bago pa man dumating si Lord Jesus sa lupa, kinikilala na ng mga tao na ang barko ay simbolo ng kaligtasan. Kaya bukod kay Jesus at sa Kanyang krus, ang barko ay larawan din ng kaligtasan.

Ito ay makikita sa kuwento ni Noah na siya ay inutusan ni God na gumawa ng barko para isakay ang mga hayop at mahal sa buhay ni Noah na ililigtas sa pagkagunaw na tinatawag na “Great Flood”.

Tulad ng nasabi na, si God ang nag-utos na gumawa ng barko at Siya rin ang nag-utos kay Noah na magdala o magsakay ng maraming pagkain doon. Kaya sa barko, busog ang lahat, maging ang mga hayop at si Noah at iba pa.

Sa ganitong katotohanan, ibinabalita sa iyo ng iyong panaginip na ikaw ay ligtas sa banta ng COVID-19. Gayunman, ayon din sa iyong panaginip, hindi ka ligtas sa banta ng pagtaba o maaaring mabawasan ang iyong kaseksihan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page