top of page

Kalabasa, pampaganda ng reproductive system ng kababaihan

  • Govinda Jeremaya
  • Apr 17, 2020
  • 2 min read

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

“Gumagapang ang kalabasa at naiiwan ang bunga.”

Sikat ang kasabihan sa itaas, pero ano kaya ang kahulugan nito sa buhay ng tao?

Sa makalumang panahon, ito ay para sa mga taong napababayaang lumakad ang maraming panahon ng kanyang buhay, pero sa huli ay napabayaan ang kanilang sarili.

Pero ito rin ang puwedeng-puwede sa mga pulitiko na nangangako ng maganda sa kampanya pero sa huli ay kinalimutan na ang kanilang mga pangako.

Lalung-lalo na applicable ito sa mga lovers na sobrang mangako sa kursunada, pero nang nakuha na ang kursunda ay pinabayaan na at sa huli ay iiwanan na rin o inabandona.

Sa madaling sabi, kapag nangako tayo, tuparin natin at habang tayo ay nabubuhay, huwag nating pabayaan ang ating sarili.

Ang tututukan natin ay ang sinasabing huwag nating kalimutan ang ating sarili habang ang ating panahon ay lumalakad. Paano? Dapat ay makaugalian nating kumain ng kalabasa.

Narito ang benipisyo ng kalabasa:

[if !supportLists]1. [endif]Malinaw na mga mata

[if !supportLists]2. [endif]Malakas na natural na depensa o immune system

[if !supportLists]3. [endif]Nakokontrol ang lebel blood sugar

[if !supportLists]4. [endif]Panlaban sa pamamaga na nagpapahirap sa mga may sakit sa buto, trangkaso at mataas na lagnat

[if !supportLists]5. [endif]Panlaban sa mga mikrobyong pumapasok sa katawan

[if !supportLists]6. [endif]Pampalakas ng lungs o baga

[if !supportLists]7. [endif]Nagpapaganda ng reproductive system sa kababaihan lalo na sa panahon ng pagbubuntis

[if !supportLists]8. [endif]Nagpapaganda at nagpapalakas ng puso

[if !supportLists]9. [endif]Panlaban sa asthma o hika

[if !supportLists]10. [endif]Nagpapaganda ng kutis

Ang kalabasa ay nagtataglay ng mga susunod na sustansiya:

[if !supportLists]· [endif]Vitamins A, C, E, B6

[if !supportLists]· [endif]Niacin

[if !supportLists]· [endif]Thiamin

[if !supportLists]· [endif]Pantonthenic acid

[if !supportLists]· [endif]Folate

[if !supportLists]· [endif]Magnesium

[if !supportLists]· [endif]Potassium

[if !supportLists]· [endif]Manganese

[if !supportLists]· [endif]Copper

[if !supportLists]· [endif]Phosphorus

[if !supportLists]· [endif]Calcium

[if !supportLists]· [endif]Iron

[if !supportLists]· [endif]Carteniods

Dagdag-kaalaman: Ang balat ng pinatuyong kalabasa ay mas magandang gamitin na breading. Para gawin ito, durugin nang pino ang pinatuyong balat ng kalabasa, lagyan ng itlog at konting harina. Ito ang ilagay sa anumang ipiprito tulad ng manok, isda at iba pang karne.

Mas masarap at masustansiya ang pritong ginamitan ng kalabasa breading. Try mo ito and you will see the difference.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page