Howie, ikinuwento ang pinagdaanan dahil sa COVID-19
- Nitz Miralles
- Apr 17, 2020
- 4 min read
Nitz Miralles / Bida
Sharon, imbes sabayan si Kiko habang nag-e-exercise, todo-tawa lang

Tawang-tawa si Sharon Cuneta sa exercise na ginawa ng asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan dahil sa loob lang ng kanilang condo unit. Bawal kasing lumabas ng bahay dahil sa ECQ, kaya ang ginawa ni Kiko, inikot ang buong kabahayan nila.
‘Katuwa si Sharon at mukhang nagpipigil pang tumawa nang malakas. Pero nakakatawa naman talaga si Kiko na nagsuot pa ng pang-exercise na shoes para mas feel ang pag-eehersisyo niya.
Caption ni Sharon sa video ni Kiko: “At ganito po ngayon ang kanyang pag-e-exercise bilang may ECQ! Hahaha!”
At least, pinatunayan ni Kiko na sumusunod siya sa batas. May ibang celebrities kasi na pumupuslit, lumalabas sa bahay nila para mag-exercise at may nagdya-jogging pa nga, pero sa loob lang ng village nila at malapit sa kanilang mga bahay. Saka, nagpapaalam naman siguro ang mga celebrities na lumalabas to workout.
Aliw na aliw kay Sharon at sa tawa niya ang mga taga-showbiz. Masarap daw tumawa si Mega. May nag-comment lang na sana raw ay sumali siya kay Kiko sa pag-e-exercise.
Samantala, panalo ang throwback photos na ipinost ni Sharon at may kuwento pa kung ilang taon siya nang kinunan ito at kung ano ang story behind the picture. Kaya magandang bisitahin ang IG account ni Sharon, maraming nalalaman.
Sa video, nakita kung gaano kalaki ang condo unit nina Sharon at Kiko.
Naalala namin, minsan na niyang nabanggit na may isa silang unit sa condo building para lang sa mga gamit nila na hindi nagkasya sa condo na tinitirhan nila ngayon.
***
Gamer na si Bianca Yao, super-kilig na tanggap ng padir ni Alden

THIS April na sana ang big reveal ng Century Tuna endorsement nina Nadine Lustre at Alden Richards kung saan formal na ipakikilala ang dalawa as the newest endorsers. Pero dahil sa COVID-19, hindi na natuloy ang big reveal.
Sa halip, Superbods at home na lang muna ang in-introduce ng Century Tuna, kung paano mag-workout sa bahay. May chance pang manalo ng P50,000 ang mga sasali sa workout sa bahay.
May inilabas ang Century Tuna na exercises ni Alden na puwedeng gayahin pati ng mga kababaihan na nagwo-workout habang nasa bahay lang.
Speaking of Alden, hindi lang nababalita, pero tuloy ang pagtulong niya via pagdo-donate ng food sa mga frontliners at sa mga nangangailangan ng tulong.
The other day, 1000 packed meals ang ipinamigay niya at tiyak, hindi ‘yun ang magiging huli niyang pagtulong.
Samantala, kinilig ang gamer na si Bianca Yao na nag-follow sa kanya sa Twitter ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson. Tuwang-tuwa si Bianca na ikinaiinis naman ng mga ayaw sa kanya para kay Alden.
***
CAKE AT ICE CREAM NI MARIAN, PASADO SA ANAK AT KAY DINGDONG
FIRST time palang gumawa ng cake ni Marian Rivera at doble special dahil para 'yun sa first birthday ng anak nila ni Dingdong Dantes na si Ziggy.
Ipinost ni Dingdong ang birthday cake na may caption na “Panalo ang kanyang unang attempt sa paggawa ng isang cake.”
Panalo rin siguro ang first time ni Marian sa paggawa ng ice cream dahil nagustuhan ng birthday boy at ni Dingdong.
Comment tuloy ng netizen, hindi magugutom ‘pag kasama sa bahay si Marian dahil marunong magluto, mula sa ulam, dessert at pati bibingka.
Pagkatapos ng birthday ni Ziggy, balik si Marian sa pagpapaalala na may Smile Train na tutulong sa mga batang may cleft palate.
Aniya, “Every 3 minutes, a baby is born with a cleft-even during a pandemic. @smiletrain assures parents and patients in need that we will be here for you. Huwag po kayong mag-alala. Nandito lang po ang Smile Train.”
***
KRIS, 'DI NA KINAKAYA ANG LOCKDOWN, UWING-UWI NA
Teenager na si Bimby Aquino, ang bunso ni Kris Aquino na 13th birthday today, April 16.
Nabasa namin ang post ni Kris sa kanyang Instagram (IG) account na wish niyang makabalik na sila sa bahay nila para ru'n makapag-celebrate ng birthday si Bimby.
Walang update si Kris kung nakauwi na sila from Puerto Galera kung saan sila inabutan ng lockdown.
March 1 pa sila wala sa kanilang bahay kaya uwing-uwi na tiyak ang mag-iina. Pero hindi pa puwede dahil sa enhanced community quarantine. Ayaw naman daw niyang makiusap na bigyan sila ng special permit na makauwi na dahil maba-bash siya at sasabihang nag-power tripping.
Anyway, kahit saan man si Kris at ang mga anak niya na sina Josh at Bimby, siguradong titiyakin nitong maise-celebrate kahit papaano ang birthday ng kanyang bunso.
***
HOWIE, IKINUWENTO ANG PINAGDAANAN DAHIL SA COVID-19

MAPAPANOOD bukas (Sabado) sa I-Witness ang special documentary ni Howie Severino kung saan ibabahagi nito ang karanasan niya sa pagiging COVID-19 patient.
May pamagat na Patient 2828 ang special docu na journey ni Howie mula nang ma-confine, mag-stay ng nine days sa ospital hanggang gumaling.
Kahit hindi pa 100 percent recovered, tuluy-tuloy si Howie sa pagse-share ng kanyang experience.
Una na siyang na-interview ni Atom Araullo sa Stand for Truth at sa I-Witness kung saan siya mismo ang maglalahad at magkukuwento ng kanyang karanasan.
Kasama sa docu ang mga kuha ng nurse na nag-alaga kay Howie sa ospital na nai-share kay Howie ang dream na makagawa ng docu. In-encourage siya ni Howie na ituloy ang pangarap at isabay sa pagiging nurse. At sa I-Witness bukas ang simula ng katuparan ng pangarap ng nurse.





Comments