Horoscope | Abril 17, 2020 (Biyernes)
- Maestro Honorio Ong
- Apr 17, 2020
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Abril 17, 2020 (Biyernes): Kahit gaano kalaki ang mga pagsubok, ito ay kakayanin mo. Ang totoo nga, maraming tao ang gagawin kang huwaran dahil sa tatag at tibay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo sa pagrereklamo. Bingi ang mga awtoridad dahil akala nila ay sila ang dapat masunod kaya kahit mali sila, maganda pa rin na manahimik ka. Masuwerteng kulay-peach.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahirap paniwalaan, pero totoo na humihina na ang mga salot kaya hindi magtatagal ay kusa na rin silang maglalaho. Gayunman, maganda pa rin na makasanayan mong magpalakas ng kalusugan. Mausuwerteng kulay-red.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagkakasakit ang tao dahil humihina ang kanyang katawan, pero ang nakagugulat ay ang kusa niyang paglakas. Ang katotohanag ito ang sandalan mo nang hindi ka nerbiyosin. Masuwerteng kulay-brown.
CANCER (June 21-July 22) - Nawawala ang kaduwagan dahil kapag nasanay na ang tao sa sitwasyon, sa una lang sila makararanas ng sobrang hirap at sa huli ay napapanatag na ang kanyang kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag malakas ang kalaban, dapat lang na magpalakas ka rin. Kumain ka ng masusutansiyang pagkain at huwag na huwag mong kainin ang mga pagkain nakasisira ng katawan. Masuwerteng kulay-green.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humingi ka ng payo sa alam mong maraming alam at huwag kang mahiya. Ang marunong at eksperto ay nanghihingi rin ng payo kaya nadaragdagan ang kanilang kaalaman. Masuwerteng kulay-yellow.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit sa sarili mo ay takot ka rin. Huwag mo itong ipahalata dahil kapag ikaw ay nakitang takot na takot, ang mga mahal mo sa buhay ay panghihinaan ng loob. Masuwerteng kulay-purple.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kilala ka na matapang at buo ang loob. Panatilihin mo ito kahit nahaharap ka sa matinding banta ng pagkasakit. Mabilis na gumaganda ang kalagayan ng matatapang at buo ang loob. Masuwerteng kulay-pink.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Humihina ang makakas at ang mahihina ay lumalakas. Kapag humina ka, muli kang magpalakas. Ganu’n lang ang dapat mong gawin upang mapanatag ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-beige.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahirap alamin ang laman ng iyong kalooban, pero kung sasabihin mo ito sa mga malalapit sa iyo, mas titibay at gaganda ang inyong pagmamahalan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumilipad ang diwa at isipan mo kaya hindi ka talaga kabilang sa walang kalayaan. Ang totoo nga, kahit ang mga nagmahal sa iyo ay hindi nagawang ikulong ka. Masuwerteng kulay-black.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ka maduduwag? Ang tunay mong kalaban ay ang iyong sarili. Bakit mo naman lalabanan ang iyong sarili gayung mahal mo ang sarili mo? Ibig sabihin, imbento mo lang ang takot mo. Masuwerteng kulay-violet.
![endif]--![endif]--




Comments