top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hindi na raw niya makontrol ang pagiging masungit… Rhian, inaming naging halimaw na siya dahil sa lo

  • Beth Gelena
  • Apr 17, 2020
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Lovi, binati ng Spanish drama actor dahil sa foreigner BF

Napatunayan ni Lovi Poe na sobrang love siya ng foreigner na boyfriend niyang si Monty Blencowe.

Imagine, nakatanggap si Lovi ng sweet message mula kay Monty sa pamamagitan ng aktor ng Spanish drama series na Money Heist.

Ang Money Heist (La Casa De Papel) ay napapanood sa Netflix kung saan nasa fourth season na ito at paboritong panoorin ni Lovi.

Marami rin daw mga Pinoy ang nanonood ng Money Heist kaya sa 5th season ay magdaragdag ng

character na taga-Manila.

Sa IG stories ng Kapuso actress, ibinahagi niya ang video clip kung saan nagsasalita si Enrique Arce ng sweet message na galing sa boyfriend niya.

Ani ng foreign actor: “How are you Lovi? This is Enrique Arce. Arturito. Money Heist. La Casa De Papel. Yeah that character that you love so much. You know why I know that? Monty told me.”

Dugtong pa ng Spanish actor, “He said he loved binge watching the show with you. He’s waiting for season 5 to see it with you also. And he misses you a lot. Poor guy misses you a lot. He really wants to see you soon. He wants to see you soon more than he wants to see La Casa De Papel 5. Take a note of that. All right, Lovi. Big kiss.”

Pinasalamatan naman ni Lovi ang gestures na ginawa ng boyfriend. Sobra raw siyang touched.

“Woke up to this! Omg @montyblencowe. A million miles away, yet you never fail to make me feel kiligg. I miss you too. Thank you my love!”

Nagbigay din siya ng mensahe kay Enrique. Aniya, “It’s gonna be hard to hate you now after this, Arturo! @enriquearceactor.”

***

Hindi na raw niya makontrol ang pagiging masungit…

Rhian, inaming naging halimaw na siya dahil sa lockdown

Ilang celebrities ang hindi na halos matagalan ang lockdown. Mahigit na rin kasi isang buwan magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

Isa na rito ay ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Isang fan ni Rhian ang nag-tweet at tinanong siya “How do you feel on the first week of ECQ be like?”

Sagot ng Kapuso actress, “Okay ako the 1st 3 weeks.. now I'm a monster.”

Nagiging moody na raw siya at habang tumatagal ay hindi na niya mapigilan ang maging masungit.

Gusto na rin daw niyang makauwi sa kanilang house sa Alabang nang sa gayun ay makita ang kanyang ina para maalis na raw ang bad mood niya.

“Just want to go home to Alabang where my mom is, I'm getting angsty and going there always puts me in a good mood,” ani pa Rhian sa kanyang socmed account.

As soon as makauwi raw siya, ang una niyang gagawin ay amuy-amuyin ang kanyang ina na lagi niyang ginagawa kapag nasa bahay lang daw siya.

Ayon pa sa aktres, habang tumatagal ang lockdown, pakiramdam daw niya ay lagi siyang balisa, nangangamba at hindi mapanatag dahil sa sitwasyon ng krisis.

Pampatanggal daw niya sa kasungitan ay ang panatilihing beauty pa rin ang sarili.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page