Gobyerno, gumawa ng paraan para matulungan lahat ng ating mga kababayan, plis naman!
- Imee R. Marcos
- Apr 17, 2020
- 2 min read
Limitado lang ang nabibigyan ng cash aid o tulong-pinansiyal kahit pa lahat naman ay apektado ng Luzon-wide lockdown. Nakakalerki, ‘di ba? ‘Yan ang nakalulungkot na katotohanan at kaliwa’t kanang daing ng ating mga kababayan.
Aminin man natin o hindi, limitado ang badyet, mga brother at seestra, at inuuna ngayon ng ating pamahalaan ‘yung mga poorest of the poor o ‘yung mga walang-wala na at sa gobyerno lang talaga ang makakapitan, lalo na ngayong extended hanggang April 30 ang lockdown.
Eh, kaya naman, mga friendship, isa ang inyong lingkod sa mga aligaga sa paghahanap ng paraan kung paano makakakuha ng pondo.
At isa sa mga nakikita nating paraan ay ang paghihimok sa ating mga kasamahan sa gobyerno lalo na sa Department of Finance na suspindehin muna ang pagbabayad sa utang ng ating bansa.
Debt moratorium ang nakikita nating tugon sa problema at maaaring gamiting ayuda sa mga kababayan natin. Ito ay bukod pa sa budget realignments at international loans para pangsuporta sa mga ibinibigay na social amelioration ng ating pamahalaan.
Tinutukoy ko, mga frennie, ‘yung nakalaan na pambayad sa interest ng mga utang ng bansa na kabilang sa General Appropriations Act of 2020 na aabot sa P451 bilyon na puwedeng gamitin cash aid sa ilalim ng Bayanihan Heal as One Act.
Bukod pa riyan ay ‘yung P582 bilyon para sa pagbabayad ng principal amount na labas sa budget na maaari ring magamit bilang cash aid. Oh, ‘di ba, merong anda!
Sa ganitong krisis, buong mundo ang apektado at ang debt moratorium, eh, alinsunod din sa panawagan ng World Economic Forum na international cooperation sa pagresolba sa mga posibleng maging epekto ng COVID-19. Kaya keri lang ito, go na!





Comments