top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 senglot na dumaan sa checkpoint, huli

  • BRT
  • Apr 17, 2020
  • 1 min read

Nueva Ecija—Dalawang lasing na dumaan sa police checkpoint ang inaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Tikiw, San Antonio.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Tolome Ramos at Loreal Binuya, kapwa residente ng Bgy. Lawang Kupang sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, habang nagmamando sa checkpoint ang pulisya ay naparaan sina Ramos at Binuya na kapwa lasing sa alak.

Dahil may idineklarang liquor ban sa nasabing lalawigan dulot ng coronavirus, agad dinakip ng pulisya ang dalawang suspek.

Nakapiit na ang dalawang suspek at sinampahan na sila ng pulisya ng mga kakukulang kaso.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page