1,290 namatay sa COVID-19 sa Wuhan, China
- Lolet Abania
- Apr 17, 2020
- 1 min read

BEIJING – Tumaas ang bilang ng namatay sa covid-19 na umabot sa 1,290 sa Wuhan, China, ayon sa state media doon. Marami ang mga nasawi dahil sa kawalan ng kapabilidad na tumanggap ang mga medical facilities ng mga dumadagsang tao na tinamaan ng coronavirus.
Sa naitalang death toll sa Wuhan umabot na sa kabuuan na 3,869, ang pinakamataas ng China. Ang kaso ng mga infected sa coronavirus sa siyudad ay tumaas ng 325 na umabot na sa 50,333, na kung bibilanging mabuti ay tinatayang two-thirds ng total ng China na 82,367, sa inanunsiyong kaso.
Gayunman, maraming espekulasyon sa accuracy ng report sa mga kaso ng virus sa China, partikular ang Wuhan ng mga nagdaang araw noong Enero, na hindi umano inire-report ang mga bagong kaso nito at mga namatay. May lumabas ding akusasyon sa mga Chinese officials na pilit umanong itinatago ang matinding epekto ng coronavirus at sinasabing kayang kontrolin ang covid-19 sa maikling panahon lamang.





Comments