top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sa France, 1,500-euro bonus sa health-care workers

  • Lolet Abania
  • Apr 16, 2020
  • 1 min read

FRANCE – Bibigyan ng bonus na 1,500-euro (tinatayang $1,633) ng French government ang lahat ng health-care workers na nasa front lines dahil sa pag-aalaga at serbisyong ginagawa nila para sa mga tinamaan ng coronavirus o covid-19.

Magkakaroon din ng mas maliit na bonus na 500 euros (tinatayang $544) ang iba pang health workers na katuwang sa pagsugpo ng virus. Gayundin, makatatanggap sila ng mas malaking suweldo dahil sa kanilang pag-o-overtime, ayon kay Prime Minister Edouard Philippe.

Inanunsiyo ni Philippe ang balak na payouts sa mga health-care worker, matapos aprubahan ng mga French minister ang 110-billion-euro plan (tinatayang $120 billion) upang matulungan ang ekonomiya ng bansa lalo na ang mga negosyanteng nahihirapan sa naging epekto ng shutdown.

Kamakailan lang, inanunsiyo ni French President Emmanuel Macron ang extension ng lockdown sa naturang bansa hanggang May 1. Gayunman, ayon kay Finance Minister Bruno Le Maire, ang ekonomiya ng France ay maaaring bumaba ng hanggang 8 porsiyento dahil sa krisis na kinakaharap rin ng buong mundo.

“Each day, each week of confinement… is worsening our public finances,” pahayag ni Gerald Darmanin, French Budget Minister.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page