top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kris, mga aso at pusa ang uunahing tulungan ngayong may COVID-19

  • Erlinda Rapadas
  • Apr 16, 2020
  • 3 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Heart, balik-pagpipinta dahil sa anxiety attack

Pilit na nilalabanan ni Heart Evangelista ang kanyang panic at anxiety attack ngayong ang ating bansa at iba pang panig ng mundo ay nakararanas ng pamiminsala ng COVID-19 na kumikitil ng libu-libong buhay.

Hindi niya maiwasang balutin ng takot at nerbiyos lalo na't ang kanyang mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero ay hindi niya kapiling.

Abala rin si Gov. Chiz sa pag-aasikaso at pagbibigay ng ayuda sa mga Sorsogones na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa ECQ (enhanced community quarantine).

Naiintindihan ni Heart ang tungkulin ng kanyang mister bilang public servant kaya hindi na siya nag-demand na damayan siya ni Gov. Chiz kapag siya ay inaatake ng nerbiyos dahil sa mga nakakalungkot na nangyayari sa iba't ibang panig ng mundo na dulot ng COVID-19.

Nagsasagawa na lang siya ng mga charity projects na makakatulong sa mga health workers, frontliners at sa mga nangangailangan ng relief goods sa depressed areas.

Muli rin niyang binalikan ang kanyang passion sa pagpipinta.

May ilang netizens naman ang nagsa-suggest na gumuhit o magpinta si Heart ng isang "obra" na puwede niyang ialay sa mga health workers na maituturing nating mga makabagong bayani.

***

KRIS, MGA ASO AT PUSA ANG UUNAHING TULUNGAN NGAYONG MAY COVID-19

KUMIKITA na sa kanyang pagba-vlog ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

Kamakailan ay nakuha niya ang Silver Play Button mula sa You Tube dahil may 200 thousand subscribers na siya at ang una niyang suweldo na $400 na katumbas ng P20,000 ay ido-donate niya sa mga shelters na nangangalaga sa mga aso at pusa.

Sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic, hindi lang ang mga tao ang nangangailangan ng kalinga at atensiyon. Animal lover din si Kris kaya may malasakit siya sa kapakanan ng mga aso at pusa.

Bahagi rin ng kikitain ni Kris sa kanyang vlog ay itutulong niya sa mga video editors niya.

***

Samantala, tulad nina Heart at Kris, mahilig din sa aso ang Kapuso actress at bida sa Love of My Life na si Carla Abellana.

May panawagan siya sa ilang kaibigan at co-stars niya na bigyan din ng pansin at atensiyon ang kapakanan ng mga aso't pusa, lalo na 'yung mga nasa animal shelters.

Kailangan din ng mga alagang aso na mabigyan ng tamang proteksiyon lalo na sa panahon ngayon na laganap na ang COVID-19.

Parehong dog lovers si Carla at ang boyfriend niyang si Tom Rodriguez kaya sila nagkakasundo.

*** MEGAN, TO THE RESCUE SA MGA AETA PARA KUMITA

MAGANDA ang ginawa ni Ms. World 2015 Megan Young na tumulong sa mga Aetas sa Pastoran Village sa Olongapo City upang maibenta ang kanilang mga produktong gulay at prutas.

Tinawagan niya ang kanyang mga kaibigan at kakilala upang tangkilikin at bilhin ang mga inaning gulay at prutas ng mga Aetas sa Pastoran Village.

Mabibili ang mga ito sa QRB store na matatagpuan sa Binictica Road, Subic Bay, Free Port Zone.

Kasama ni Megan sa project na ito ang mga dati niyang kaklase sa Regional Science High School III sa Subic.

***

ANG latest single ng Kapuso star na si Kyline Alcantara under GMA Music ay may pa-dance challenge.

Ang bagong single na #123 Dance Challenge ay para sa kanyang mga fans (ang Sunflowers) at puwedeng gamitin sa TikTok.

At least, kahit na nasa quarantine siya ngayon ay may pagkakalibangan pa rin.

Nami-miss na ni Kyline ang pagteteyping ng Bilangin ang Bituin sa Langit dahil magagaling na aktres ang kanyang kasama rito.

Lagi niyang pinagmamasdan at pinag-aaralan ang mga kilos ng Superstar na si Nora Aunor, ganu'n din ni Ms. Mylene Dizon.

***

KAKAKASAL pa lang nina Joyce Pring at Juancho Triviño last April 10 at second monthsary pa lamang nila, pero hindi nila magawa ang magplano ng selebrasyon dahil sa pinaiiral na Luzon lockdown.

Kaya, no choice ang mag-asawa kundi ang manatili na lang sa kanilang bahay. Ang mahalaga naman ay magkasama sila at ligtas sa COVID-19.

Habang nagtatagal ay lalong nagiging sweet sa isa't isa sina Joyce at Juancho. Marami pa silang bagay na natutuklasan sa isa't isa.

Nasa honeymoon stage pa lamang sila ngayon at hindi naman nila minamadali ang pagkakaroon ng baby. Para kay Joyce, si Juancho muna ang kanyang baby na aalagaan.

***

ANG Encantadia pala ay isa sa mga fantaserye ng GMA-7 na magastos at malaki ang production budget dahil sa dami ng malalaking cast na kasama.

Bukod kina Marian Rivera at Dingdong Dantes, kasama rin sa Encantadia sina Sunshine Dizon, Solenn Heussaff, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Rochelle Pangilinan, Vaness del Moral, Carlo Gonzales, Neil Ryan Sese, Pancho Magno, Mikee Quintos, atbp..

Pati ang set, costumes, lighting at special effects ay ginastusan din nang husto kaya naman maituturing nang "classic" ang seryeng Encantadia na uulit-uliting ipalabas at hindi pagsasawaan ng mga viewers.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page