Lani, nagpa-COVID-19 mass testing na sa Bacoor
- Vinia Vivar
- Apr 15, 2020
- 2 min read
Barbie at Jak, sabay pa ring nagwo-workout at nanonood ng movie kahit lockdown
Kahit nasa kani-kanilang bahay ay constant naman ang communication ng magdyowang sina Barbie Forteza and Jak Roberto. In fact, ayon sa Kapuso Primetime Princess, araw-araw pa rin ang kanilang komunikasyon via text and video calls.
“Minsan, mas maaga siyang nagigising sa akin, eh. So, paggising ko, ang dami nang texts, ganyan,” kuwento ni Barbie sa video segment ng GMA-7 na #KPRGAsksBarbie.
And would you believe na nakakapag-workout pa raw sila at nakakapanood ng movie nang magkasabay?
“Ayun, minsan, sabay kaming nagwo-workout, virtually. Bago 'ko mag-Netflix or minsan, kapag meron kaming movie na hindi pa napapanood parehas, sabay naming pinapanood at the same time habang magka-video call. Grabe! Ang sweet! Charot,” sey pa ni Barbie sabay tawa.
Pero siyempre, iba pa rin daw kung magkasama at nagkikita nang personal.
“Pero mas importante, eh, safe kayong dalawa, 'di ba? ‘Yun naman ang mahalaga, 'di ba?” sey niya.
Kaya ang payo niya sa mga girls na kapareho rin ng kanyang sitwasyon na nami-miss na ang mga dyowa ay tiis-tiis lang.
“Kapit lang, girls, matatapos din ang quarantine. Magkikita rin kayo at makakapag-date rin kayo nang personal. Pero sa ngayon, ano muna, video call na lang muna, text-text, tawagan na lang muna, ganyan. Ang importante naman, eh, hindi nawawala ‘yung communication n’yong dalawa,” payo ni Barbie.
Ang maganda nga raw ngayon ay may ganitong technology na puwede nang makipag-communicate sa loved ones through video calls kaya nakakapagkita pa rin at nakakapag-usap.
Samantala, catch Barbie on Anak ni Waray vs. Anak ni Biday on GMA Telebabad.
Meanwhile, you may see her on the replays of Meant To Be, Mondays to Fridays, 9:30 PM on GMA-7.
♥♥♥
Lani, nagpa-COVID-19 mass testing na sa Bacoor

Hats-off kami kay Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla na nagpasimula na ng mass testing sa kanyang mga nasasakupan.
Ang mga suspected patients for COVID-19 na nasa quarantine facility ang mga naunang isinalang sa swab testing.
Tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Lani na agarang matapos ang mga isolation rooms sa Southern Tagalog Regional Hospital at makapagtalaga ng mga quarantine facilities sa pamamagitan ng pag-convert ng mga motels, hotels at inns sa Bacoor.
Dalawang klase ng tests ang kanilang isasagawa sa mga mamamayan sa Bacoor: Nasopharyngeal swab (NPS) at Oropharyngeal swab (OPS).
Mananatili sa mga quarantine facilities at home quarantine ang mga probable and suspected patients habang hindi pa tapos ang araw na itinakda sa kanila.
“Ginagawa po natin ang lahat ng ating magagawa para maalpasan ang pagsubok na ‘to. And we’re all praying na sana, mahanap na po talaga ang lunas ng COVID-19,” pahayag ni Mayor Lani.





Comments