Basey, Samar niyanig ng magnitude 5
- BRT
- Apr 15, 2020
- 1 min read

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang bayan ng Basey sa lalawigan ng Samar.
Naitala ang pagyanig alas-9:07 ng umaga ngayong Miyerkules, April 15.
Ayon sa Phivolcs, epicenter ng lindol ay sa layong 13 kilometers northwest ng Basey. Habang 94 kilometers naman ang lalim at tectonic ang origin.
Kaugnay nito, naitala ang Instrumental Intensity IV sa Palo, Leyte at Intensity III sa Borongan City.
Maaari umanong makapagtala pa ng aftershocks kaugnay ng naturang pagyanig.
Nabatid na umabot na sa 4,932 ang kabuuang kaso ng COVID-19, 315 ang namatay at 242 ang nakarekober na pasyente.





Comments