top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

4 nagma-mahjong, timbog

  • BRT
  • Apr 15, 2020
  • 1 min read

Nueva Ecija—Apat na lalaki ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagma-mahjong kamakalawa sa Bgy. Sibut San Jose City.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Victorino dela Cruz, Roman Patiag, Armando Munar at Jonnel Panganiban, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, habang nagpapatrulya ay nakita ng pulisya ang apat na lalaki na nagma-mahjong at dahil dito ay agad dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek.

Nakakumpiska ang mga awtoridad ng cash at gambling paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page