top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sa gitna ng laban sa COVID-19... Pinoy nurse na gustong magsilbi sa ibang bansa, oks lang — P-Du30

  • BRT
  • Apr 14, 2020
  • 2 min read

Hindi umano pipigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung may mga Filipino health care workers lalo na ang mga nurse na kakagat sa alok ng Amerika na magtrabaho doon sa kabila ng pakikipaglaban din ng Pilipinas sa COVID-19.

“Hindi ko sinisisi, hindi ako galit, wala akong emotions actually about this. But kung gusto ninyong kayong mga nurse na Pilipino gusto ninyong magsilbi sa ibang bayan, sa ibang tao, okay lang sa akin,” ayon sa Pangulo.

Bagama't, malaking problema umano ang ibibigay ng Estados Unidos sa Pilipinas ngayon kung saan ang dalawang bansa ay kapwa nilalabanan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019.

“Ngayon, ganito ang problema namin. America is part of the problem of the Filipinos now kasi sa karaming tinamaan sa kanila, marami nang patay,” ayon sa Pangulo.

“Nanawagan sila, mga nurse, ‘Sige, punta kayo sa Embassy, i-process nila ang visa one day lang. Kinabukasan, lipad ka na,” paglalahad ng Pnagulo.

“So, ngayon nangangailangan kayo ng nurse, express. Kami naman dito nakakabahan kasi wala kaming pangbigay kasing laki, so ang mga nurse natin — eh, naintindihan ko ‘yan, eh, self-preservation ‘yan. So, kailangan magtrabaho sila. May trabaho ngayon sa Amerika, eh, di nagpupuntahan sila,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Gayunman, nais umano ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na manatili sa bansa ang mga Filipino health care workers.

“So, ‘yung tayo naman ang task force ganito, huwag kayong umalis lahat either may gusto o wala, kagustuhan mo ayaw mo dahil mangangailangan — there’s no end in sight, anong katapusan nito, wala pa — and our numbers are increasing. From the 200 lang ngayon it has ballooned umabot na ng 4,932 cases. Ang nag-recover 242, ang patay 315,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na puwedeng umalis ang mga nurse at iba pang healthcare workers na may existing contract sa ibang bansa.

Ginawa ng kalihim ang pahayag ilang araw matapos magpatupad ng deployment ban sa mga healthcare workers ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) habang umiiral ang national emergency sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page