top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pahiwatig na dapat mag-volunteer sa gov’t hospital at magiging health worker kahit sales lady

  • Socrates Magnus
  • Apr 14, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Weng na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Napanaginipan ko na naging doktor ako at marami akong napagaling na COVID-19 patients, tapos ang ipinanggamot ko ay herbal medicine.

Sales lady ako sa isang malaking mall na sarado ngayon kaya wala kaming pasok.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Weng

Sa iyo Weng,

Dahil walang gamot sa COVID-19, marami ang natatakot, pero ayon sa panaginip mo, hindi ka takot at gusto mo pang mapabilang sa mga health workers. Lately, medyo hindi nagkaintindihan sa ibinabalitang pagbibigay ng hazard pay sa mga health workers dahil napakaliit, pero nilinaw ng DOH na malaki na ang halaga na ibinibigay sa kanila.

Sa iyong panaginip, ikaw ay makikitang hindi tumitingin sa pera at hindi ka natatakot sa panganib na baka ikaw ay mahawa. Gayundin, nakita mo ang katotohanang pabawas nang pabawas ang bilang ng mga doktor, nurse at iba pang frontliners.

Kaya sa panaginip mo, gusto mong magprisinta na mapabilang sa kanila at puwedeng-puwede itong mangyari kaya makipag-ugnayan ka na sa mapipili mong hospital ng gobyerno para makapagsimula ka na.

Haliwbawa, pumunta ka sa Philippine General Hospital at sabihin mo na gusto mong makatulong sa kanila. Simple lang, ‘di ba? Gayundin, ayon sa iyong panaginip, kapag ginawa mo ang nasabing payo, hindi na sales lady ang maging linya ng hanapbuhay mo dahil ikaw ay mapabibilang na rin sa mga health workers.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page