top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga Pinoy, kung gustong bumalik sa normal ang buhay, tigilan na ang pagpapasaway!

  • Pabs Hernandez III
  • Apr 14, 2020
  • 2 min read

TAPOS NA SANA ANG LOCKDOWN—Tapos na sana ang enhance community quarantine kaugnay sa krisis dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Kung hindi lang sana naging matigas ang ulo ng ilan nating kababayan, na labas nang labas ng bahay kahit may utos ang pamahalaan na mag-“stay at home” para hindi na makapanalasa ang COVID-19, sana ay hindi na tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nagka-virus at sana, tapos na ang lockdown at balik na sa normal na pamumuhay ag sambayanan, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

MAKIISA SA “STAY AT HOME” PARA SA ABRIL 30, TAPOS NA ANG LOCKDOWN—Dahil patuloy na tumataas ang bilang ng mga Pinoy na tinatamaan ng virus at marami na rin ang namamatay, nagkaroon ng extension sa lockdown hanggang Abril 30, 2020.

Dapat makiisa na ang lahat sa utos ng gobyerno na stay at home upang magtagumpay ang mga Pinoy kontra COVID-19 para matapos na ang lahat ngayong Abril 30, period!

◘◘◘

SA TORETE NG DOH, TILA NALIMUTAN NANG GAMUTIN ANG IBANG MAY SAKIT BUKOD SA COVID-19 PATIENTS—Kamakailan ay may mga nabalitang isang padre de pamilya ang namatay sa atake sa puso sa tent na nasa labas ng ospital dahil walang nag-asikasong doktor; isang ina ang iyak nang iyak habang kalong ang paslit na anak na nilalagnat dahil wala raw ospital na gustong gumamot sa bata at isang preso na nagka-meningococcemia ang namatay dahil ni-reject daw sa mga ospital.

Ang dahilan kaya walang nag-asikaso sa kanila sa ospital ay dahil hindi COVID-19 ang kanilang sakit.

‘Yan ang malungkot na katotohanan na dahil sa taranta ng Department of Health (DOH) sa coronavirus ay tila nalimutan na nilang sabihan ang mga ospital na gamutin din ang ibang pasyente na hindi COVID-19 ang sakit, hays!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page