Face mask na may 'DOH property' at ibinebenta online, i-report!
- Madel Moratillo
- Apr 14, 2020
- 1 min read

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa kumakalat ngayon na mga umano'y face mask na may nakalagay na DOH property at ibinebenta online.
Sa isang advisory, binigyang-diin ng ahensiya na hindi sila nagbebenta ng anumang health commodities tulad ng face mask.
Dahil dito, binalaan ng kagawaran ang publiko laban sa pagbebenta ng anumang pag-aari ng gobyerno na mahigpit na ipinagbabawal sa batas.
Kaugnay nito, umapela ang DOH sa publiko na agad i-report sa kanila ang mga ilegal na aktibidad kagaya nito.
Hinikayat din nito ang publiko na huwag tangkilikin ang mga seller na nagbebenta ng ganitong uring produkto.





Comments