Cash assistance para sa middle class workers, aprubado na ni P-Duterte
- Mylene Alfonso
- Apr 14, 2020
- 1 min read

Kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na inaprubahan kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng ayuda para sa mga middle income earners na naapektuhan din ng krisis sa Coronavirus Disease 2019.
"President Rodrigo Duterte has approved the proposal of the Department of Finance for a P51 billion "Small Businesses Wage Subsidy Program" that aims to provide 2 tranches of cash aid to employees of small businesses," ani Nograles sa virtual press briefing.
Layunin nito na tulungan ang may 1.6 milyon na may small business at ang kanilang 3.4 milyong empleyado na naapektuhan ng Luzon lockdown.
Ayon kay Nograles, nasa P5,000 hangang P8,000 din ang matatanggap ng mga ito katulad ng Special Amelioration Program na ibinigay sa mga low income earners.
Sinabi ng opisyal na nasa dalawang buwan din ang coverage ng naturang programa kung saan mag-uumpisa mula May 1 hanggang 15, at mula May 16 hanggang 30.
Dagdag pa ng kalihim maaaring idaan sa quick card ng SSS, PayMaya o cash pick-ups ang perang ayuda sa mga middle income earners.
"Workers who will qualify for the cash subsidies can receive the aid via their SSS Unified Multi-Purpose ID cards that double as ATM cards, bank accounts, electronic wallets, and through remittance centers," paliwanag ng kalihim.
Ang Small Business Wage subsidy program ay sagot umano ng pamahalaan para sa panawagang tulong sa mga middle income earners na umaaray na rin dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.





Comments