‘Pag may antibody na vs. COVID-19… Aalisin na ang lockdown — P-Duterte
- Mylene Alfonso
- Apr 14, 2020
- 1 min read

Inianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari na niyang tanggalin ang enhanced community quarantine sa Luzon sa sandaling magkaroon na ng antibody treatment laban sa Coronavirus Disease 2019 pandemic.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte matapos ang isinagawang pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases kagabi.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa kanyamg pagbabasa nabatid nito na may higanteng pharmaceutical company ang nakapag-develop na ng antibody laban sa COVID-19.
“I placed the condition there na kung nandiyan na ‘yung antibody, available na sa market dito and they are being sold in quantity, numbers, then maybe I am inclined to, maybe, at that time, lift the lockdown,” ani Duterte.
"Kung meron na ‘yan, tapos makita ko na ginagamit ng tao, ili-lift ko. Tutal kung magkasakit kayo, may antibodies naman tayo mabili. Ngayon kung wala ka mabili, problema mo na ‘yan kasi tapos na yung lockdown," sabi ng Pangulo.
Posible aniyang lumabas na sa merkado sa susunod na buwan ang naturang gamot.
"Meron ng medisina, antibody ang isang giant pharmaceuticals. Tapos naghahabulan sila. Sabi by May baka they would start to market it, ipabili na nila. Ang problema sabi nga ni --- we are on the last ladder. Ang mauna niyan ‘yung mga mayaman na --- kasi marami ‘yan eh, kailangan. So as fast as they can really manufacture or farm out the --- the product, just retain the copyright para magtulungan sila," dagdag pa ng Chief Executive.
Nakatakdang magtapos ang Luzon lockdown sa April 30.





Comments