Legal bang magpatayo ang barangay ng sports center?
- Persida Acosta
- Apr 13, 2020
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Ako ay bagong lipat na residente sa aming barangay. Kalapit ng inuupahan kong bahay ay mayroong itinatayong tila sports center. Ipagtanong ko kung sino ang nagpapatayo ng nabanggit na istruktura at napag-alaman kong iyon ay proyekto ng barangay. Nais ko lamang malaman kung legal bang magpatayo ang barangay ng sports center? – Drake
Dear Drake,
Para sa inyong kaalaman, ang Section 17 ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of the Philippines, ang batas na makatutugon sa inyong katanungan. Sa nabanggit na probisyon ng batas nakalista ang mga pangunahing serbisyo at pasilidad na dapat ibigay at maging responsibilidad ng barangay. Ayon sa nabanggit na probisyon, ang mga serbisyo at pasilidad na ito ay ang mga sumusunod:
“Section 17. Basic Services and Facilities. –
(a) Local government units shall endeavor to be self-reliant and shall continue exercising the powers and discharging the duties and functions currently vested upon them. They shall also discharge the functions and responsibilities of national agencies and offices devolved to them pursuant to this Code. Local government units shall likewise exercise such other powers and discharge such other functions and responsibilities as are necessary, appropriate, or incidental to efficient and effective provisions of the basic services and facilities enumerated herein.
(b) Such basic services and facilities include, but are not limited to, the following:
(1) For Barangay:
xxx
(vi) Infrastructure facilities such as multi-purpose hall, multipurpose pavement, plaza, sports center, and other similar facilities xxx.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, malinaw na responsibilidad ng pamunuan ng barangay ang pagpapatayo ng istruktura na tulad ng sports center. Ang pagpapatayo nito ay sumasang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas at ito ay legal na proyekto.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalam sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments