Gerald, male version ni Angel, todo-post ng pagtulong dahil sa COVID-19
- Janice DS Navida
- Apr 13, 2020
- 5 min read

Male version ni Angel Locsin ang tawag ngayon ng mga netizens kay Gerald Anderson dahil sa mga posts nitong photos at videos ng pagtulong na ginagawa niya katuwang ang Philippine Coastguard kung saan siya member.
Sa video clip na ipinost ni Gerald sa kanyang Instagram account two days ago, makikita ang ilang kalalakihang nagbubuhat ng mga plywood pasakay sa isang truck at sa caption ni Gerald, mababasa ang: "Proud day to be part of the Philippine coast guard.. Maraming salamat sa pag-volunteer sa paghakot ng materials natin para sa Emergency Quarantine Facility para sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital And Sanitarium (covid 19 center).. Commodore Torre, salute Sir.. Monday ang first day natin. Thank you so much."
Kasabay ng post, tinag niya ang ilang kaibigan para pasalamatan sa suporta sa kanya tulad nina Arci Muñoz (@ramonathornes), Sue Ramirez (@sueannadoodles), Direk Ruel Bayani (@rekdibayani), Rayver Cruz (@rayvercruz), Jake Cuenca (@juancarloscuenca), at ilang non-showbiz friends. May hashtag na "#parasabayan" ang naturang post ni Gerald.
Good vibes na sana, kaso may ilang netizens ang nang-intriga pa sa post ni Gerald at nagtanong kung ito rin ba 'yung EQF (emergency quarantine facility) na ipino-promote ni Julia Barretto, na as we all know ay matagal nang nali-link kay Gerald at kumalat nga noon na third party sa hiwalayan ng aktor at ni Bea Alonzo.
Mabuti na lang at may netizen na naglinaw sa issue kaya lusot si Gerald.
Sabi ng netizen, #parasabayan 'yung EQF na tinutulungan ni Gerald samantalang #paramaybukas naman 'yung kay Julia.
Tama nga naman ang ilang supporters ni Gerald na kesa pansinin at intrigahin pa ang koneksiyon at relasyon 'daw' ng aktor at ni Julia, pagtuunan na lang ng pansin ang ginagawang tulong ng mga celebrities sa mga frontliners ngayong may krisis dahil sa COVID-19.
♥♥♥
Sylvia, oks na after magpositibo sa COVID-19
Good news na mukhang okay na ngayon ang lagay ng magaling na aktres na si Sylvia Sanchez matapos magpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19.
Sa latest video niya na napanood namin sa kanyang Instagram account, bagama't nasa hospital bed pa rin si Ms. Ibyang (tawag sa kanya sa showbiz ng mga close friends niya), maayos na itong nakakapagsalita kung saan emosyonal niyang pinasalamatan ang mga doktor at nurses-hospital staff na nag-aasikaso sa kanya habang naka-confine.
Hindi lang nabanggit ng aktres kung kailan siya lalabas, gayundin kung ano nang lagay ng kanyang asawang si Art Atayde na kasabay niyang nagpositibo sa COVID-19. Pero hoping and praying kami na tulad ni Ms. Sylvia ay makaligtas din sa deadly disease na ito ang ama nina Arjo at Ria Atayde.
For sure naman, tuluy-tuloy pa rin ang panalangin ng mga kapamilya at kaibigang nagmamahal sa mag-asawa na malagpasan ang matinding sakit na ito tulad nina Christopher de Leon at Iza Calzado na ilan lang sa mga survivors.
♥♥♥
Robin, mas naniniwalang galling sa paniki ang COVID-19, ‘di biological warfare ng China
Mas naniniwala pala si Robin Padilla na ang COVID-19 ay nanggaling sa paniki kesa sa kumakalat sa social media na biological warfare ng China ang deadly disease na ito.
Sa Instagram, nag-post si Robin ng video kung saan makikita silang naglilinis at nag-iis-is ng sahig gamit ang tubig, sabon at steel brush, na ayon sa kanyang mahabang caption, nililinis nila ang mga dumi ng mga paniking dumadayo sa kanilang bahay araw-araw.
Kuwento pa ni Robin, normal na para sa kanila ang araw-araw ay makita ang mga paniking lumilipad-lipad sa kanilang bahay kaya hinahayaan na lang nila kahit dumumi ang mga ito.
Pero dahil nga raw sa balitang sa paniki nanggaling ang COVID-19, nag-alala siya para sa kaligtasan ng kanyang pamilya, lalo na ng anak na si Isabella, dahil play area pala nito ang paboritong puntahan ng mga paniki at dinudumihan.
Parte pa ng caption ni Robin sa video (unedited ang text ng kanyang IG post), "Ang pinagpupulungan namin ngayon ay kung paano papaalisin ang paniqui ang nais ni rico ay patayin si phet naman ay hulihin ilang beses ko na kinausap yun paniqui minsan nilapitan ko talaga alerto siya bigla ako nilusob pero maingat din siya nanggugulat lang ngayon nahihirapan ako magdesisyon kasi pamilya na rin ang tingin namin sa mga paniqui na ito pero kung totoo ang sinasabi na sila may dulot ng sakit parang nawawalan ako ng mapagpipilian kundi ....,, Astigfirullah"
Well, kung si Robin ay nahirapang magdesisyon kung ano'ng gagawin sa mga paniki, kami naman ay nahirapang magbasa sa caption niyang walang period. Charot! 'Kahingal, ha?!
♥♥♥
Matagal na sa showbiz si Jace Roque na napanood na sa mga ABS-CBN shows tulad ng And I Love You So, Inday Bote at Ningning at napasama na rin sa mga pelikulang Across the Crescent Moon and Tatay Kong Sexy.
Pamangkin siya ng singer na si Gino Padilla at malayong pinsan naman niya si Luke Mejares, kaya hindi na kataka-takang marunong din siyang kumanta dahil sabi nga, it runs in the blood.
At habang hindi pa nabibigyan ng big break sa acting, gustong mag-focus ni Jace sa music kung saan siya mismo ang nagsusulat, nag-a-arrange at nagpo-produce ng sarili niyang mga kanta.
His biggest hits include Sober which Jace dropped in 2019 and has been streamed more than 300,000 times on Spotify. Ini-release ito ng Ditto Music, isang distribution company that has also worked with famous singers na sina Ed Sheeran at Sam Smith.
Ang lyric video naman ng kanta ni Jace na Love ay may views nang mahigit sa 300,000 sa Facebook. It was released via Artists Without A Label (AWAL), a Kobalt Music Group subsidiary that works with artists like FINNEASand Lauv. Si Jace ang nag-iisang Filipino soloist on their roster.
Last January 31, 2020, nag-release si Jace ng Day and Night through AWAL. It debuted at No. 12 on iTunes Philippines at umakyat sa No. 8 ilang oras after itong ilabas at tinalo nito ang Black Swan ng sikat na K-Pop boy band na BTS kaya ito ang first Top 10 hit ni Jace.
As of this writing, its official video is on track to earn over 400,000 views on Facebook.
At dahil naka-1.5 million total streams across all platforms ang mga kanta ni Jace, naengganyo siyang maglabas ng bagong single titled Forever na very special sa kanya dahil first Taglish release niya ito.
He decided to try something new with this song, and he’s pleased with the results of his experiment. Umaasa siyang magugustuhan din ito ng mga listeners niya, lalo't as of this writing, kasama na ito sa Spotify Philippines’ New Music Friday playlist mula nang ito ay i-release.
Ang Forever ay tungkol sa taking control of one’s destiny in terms of love. Naniniwala si Jace na pagdating sa relasyon, you can’t just leave everything to chance.
"A lot of people believe that if it’s meant to be, it will be. But the truth is, you can’t just dream about forever. You've got to work hard to earn it,” katwiran ni Jace.
Hmmmm… Agree? Well, listen to the lyrics of his song.





Comments