Arnold binash dahil sa ibinulgar na mga patay sa East Avenue Medical Center, wa’ paki, tuloy pa rin
- Nitz Miralles
- Apr 13, 2020
- 3 min read
Nitz Miralles / Bida
Angel, idinenay na ipinatigil ng DOH ang pagtatayo nila ng tent sa mga ospital
Nag-anunsiyo si Neil Arce at ang iba pa nilang kasama sa #UniTentweStandPH campaign na itinigil na nila ang campaign na sinimulan to address the overcrowding of hospitals dahil sa COVID-19.
Sey pa ni Angel, “Because of your overwhelming support, we are happy to announce that we have sufficiently funded the #UniTENTweStandPH campaign. With a full and grateful heart, we are now ending the fundraising and will no longer accept CASH donations through PayPal, PayMaya, or bank account. Tuloy pa rin po ang pagbibigay natin ng hospital tents sa mga ospital.”
As of April 13, umabot sa P10,956,702.98 ang donation at naka-itemized ang lahat kaya siguradong walang magtatanong kung saan ito napunta.
Binanggit din ni Angel na 150 hospitals ang malalagyan nila ng tents.
May nagtanong kay Angel kung totoo ang balita na ipinahinto ng DOH ang project nilang mag-set-up ng tent sa mga ospital?
Sagot ng aktres, “Not true po. Why would DOH do that? Fake news. Hindi lang po kami magbibigay pa ng sanitation tent with mist sa mga ospital na nag-request dahil may statement ang DOH at sumusunod tayo. Pero ang pagtayo ng hospital tents ay tuloy pa rin na s'ya naman po talaga ang focus ng campaign.”
Napagod man si Angel at ang kanyang team, matutuwa ito at mababawasan ang pagod kapag nabasa ang mga comments at messages ng pasasalamat sa kanila at sa kanilang ginawa.
Puwede na uli sigurong ibalik nina Angel at Neil ang kanilang atensiyon sa paghahanda sa kanilang kasal na ang sabi, sa November, 2020 na magaganap.
♥♥♥
Bianca Yao, nagsalita na sa kanila ni Alden
Marami ang nag-like sa Easter Sunday message ni Alden Richards na “The greatest gift today is HOPE. And with His love, He will calm all our fears. Happy Easter po sa ating lahat.”
Anyway, marami agad ang pumunta sa re-opening ng McDonald’s branch nina Alden sa Biñan Highway last Sunday.
Mahaba ang pila ng mga sasakyan sa drive-thru pati sa order for take-out. May social distancing sa loob at labas ng store at naka-face mask ang mga customers, pati ang crew sa loob. Bawal kasing magpapasok ‘pag walang mask at kasama roon ang may-ari.
Parang wala sa reopening si Alden dahil wala kaming nakitang photos niya at ang ginamit na photo to announce the reopening of the branch ay kuha sa grand opening pa na magkakasama sila ng dad niya at sister na si Rizza Faulkerson na tumatayong manager ng store.
Limited muna ang operation time ng McDonald’s ni Alden dahil mula 7 AM to 2 PM lang muna ito bukas. At hindi lang ang branch ni Alden ang nag-reopen kundi pati ibang branches dahil baka gawing isyu ang tungkol dito.
Still on Alden, baka hindi nito alam, kaya sasabihin na namin na inili-link siya ng mga netizens sa kapwa gamer niyang si Bianca Yao.
May kontra at meron ding mga pabor dito at may pangalan na nga ang shippers ng dalawa, tinatawag nila ang kanilang sarili na "AlCake." Ang “Al” ay mula sa two letters ng name ni Alden at ang “Cake” ay mula sa IG account ni Bianca na “slice of cake.”
Si Bianca pa lang ang nakakaalam na inili-link sila ni Alden at pinayuhan na siya na mag-ingat dahil maba-bash siya. Sabi naman nito, mabait si Alden, hindi lang sa kanya, pati sa ibang mga gamers at sinusuportahan silang lahat ng aktor.
♥♥♥
Arnold binash dahil sa ibinulgar na mga patay sa East Avenue Medical Center, wa’ paki, tuloy pa rin

Maganda ang ginawa ni Arnold Clavio na i-set sa limited ang kanyang comment box para nasasala ang mga komento ng mga netizens.
Sobra kasing na-bash si Arnold dahil sa ibinalita niya tungkol sa mga patay sa East Avenue Medical Center. Pero, sinasagot ni Arnold ang mga iniisyu sa kanya gaya ng nasulat na umalis siya sa social media dahil active pa ang Instagram (IG) account niya. Ang na-disable ay ang kanyang Facebook account dahil may nagsumbong sa FB.
Napapakinggan at napapanood pa rin si Arnold sa DZBB, nagre-report sa Saksi at muling napapanood sa Unang Hirit na ibinalik ng GMA-7.
Saka, nakakapag-interview si Arnold ng mga tao sa gobyerno, ibig sabihin, hindi siya iniiwasang makausap ng mga taong nasa pamahalaan.
♥♥♥
Seventeen weeks pregnant si Dianne Medina sa first baby nila ng asawang si Rodjun Cruz at hindi pa man masyadong lumalaki ang tiyan niya, ang magiging godparents na ng baby nila ang iniisip ng huli.
Nang mag-comment ang brother niyang si Rayver Cruz sa balita via an emoji of a baby, sagot ni Rodjun, “@rayvercruz love you King! Matic, ninong ka sa pamangkin mo, hehe.”
Hindi kami magugulat kung isa rin sa mga maging ninong ng baby nila si Alden Richards na close friend ni Rodjun. In fact, sa kasal nina Rodjun at Dianne, best man si Alden.





Comments