Angel, naka-P10 milyon na, stop na sa pagtanggap ng donasyon
- Ronalyn Seminiano Reonico
- Apr 13, 2020
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nakakalula ang update ni Angel Locsin ng total ng halagang nalikom ng UniTENTweStandPH.
Sey ni Angel, “Update lamang po tungkol sa inyong donasyon sa UniTENTweStandPH, ngayon pong April 13, 12:01 AM, nakabuo po tayo ng total na P10,956,702.98 sa atin pong mga fundraising accounts, ang ating go get fund account, through PayPal, ang ating PayMaya at through bank deposits din po.
“Ipapakita ko rin po ang ating expenses sa ating mga suppliers ng tents. Ito po ay nagto-total po sa 150 na ospital na matutulungan po ng inyong mga donasyon.”
Ipinakita rin ni Angel ang mga kailangan nilang bayarang transactions katulad ng PayPal at iba pang expenses tulad ng pagkain, tubig, saka siyempre, ‘yung ipinang-gas trips nila pati ang mga protective gears nila.
Aniya pa, “Binuo po ang UniTENTweStandPH para po makatulong kahit papaano sa overcrowding situation ng ating mga ospital, sa mga pasyente na hindi na po nagagamot, sa mga health workers na hindi nabibigyan ng tamang proteksiyon, sa mga pasyente na nahahalo sa ibang mga cases, iyon po ang dahilan kung bakit tayo nandirito.
“Muli, maraming maraming salamat po sa inyo at dahil nakalikom na po tayo ng ganitong amount na napakalaki, we’re announcing na hindi na po kami tatanggap ng donasyon mula po sa inyo dahil we have been more than enough po. Maraming-maraming salamat po sa inyo.
“Sa ngayon po, ngayon pong April 13, stop na po ang ating mga online donations pero ang ating pagbigay ng serbisyo pa rin po sa mga ospital at sa taumbayan ay tuloy pa rin po. Maraming salamat po.”
♥♥♥

Bea, nagluto at namudmod ng pagkain sa mga frontliners nakakatuwa rin ang ginawa ni Bea Alonzo para makatulong sa mga frontliners at health workers. Katulad nina Marian Rivera, Pokwang at iba pang celebrities, nagluto si Bea para sa mga walang sawang nakikibaka sa pandemic COVID-19.
Nag-post siya sa Instagram kung saan makikitang nagluluto siya ng pasta at iba pang pagkain.
Aniya, “I am cooking now for our frontliners, 100 packs.”
Nagbigay din ng donations ang Turks na ineendorso niya kaya bukod sa pasta ay meron pa silang pa-shawarma at rice bowls.
Nagpaabot din ng tulong ang Black Scoop kaya may pa-milk tea rin at marami pang iba na tumulong kay Bea kaya ang sasarap ng mga pagkaing ipinamigay niya.
Pero sa caption ng magandang aktres, aniya ay hindi niya nagawang mag-prepare ng 100 food packs.
Aniya, “For the first time, I tried to cook for one hundred people (but failed). I just ended up doing 98, but that’s okay. Given the circumstances, I decided not to be hard on myself because the core reason why I cooked in the first place is to give a little joy to our frontliners, and just by doing that, I already felt fulfilled.”
Makikita rin sa series of photos na ipinost ni Bea ang pamimigay nila ng food packs sa Philippine Heart Center, Fatima Hospital, East Avenue Medical Center at Lung Center of the Philippines.





Comments