Nakarekober sa COVID-19, puwedeng magpositibo ulit — WHO
- Lolet Abania
- Apr 12, 2020
- 2 min read

GENEVA — Nangangalap na ngayon ang World Health Organization (WHO) ng mga report tungkol sa mga pasyente na muling nasuri at nagpositibo sa coronavirus, matapos ang inisyal na test na nagnegatibo na sa sakit at ang mga ikinonsiderang gumaling na.
Alinsunod ito sa report ng opisyal ng South Korea, na 91 pasyente sa kanila ang nakarekober na sa coronavirus subalit nang suriing muli ay nagpositibo sa test.
Ayon sa direktor ng Korea Centers for Disease Control and Prevention na si Jeong Eun-kyeong, ang virus ay maaaring “reactivated” at hindi ito matatawag na patients re-infected.
Agad na inalam ng Geneva-based WHO ang kasong nangyari sa Seoul at nagbigay ng pahayag sa Reuters na: “We are aware of these reports of individuals who have tested negative for COVID-19 using PCR (polymerase chain reaction) testing and then after some days testing positive again.
"We are closely liaising with our clinical experts and working hard to get more information on those individual cases. It is important to make sure that when samples are collected for testing on suspected patients, procedures are followed properly," ani pa ng statement.
Ayon sa guidelines ng WHO ukol sa clinical management, ang isang pasyente ay maaaring i- discharged mula sa ospital matapos na dalawang beses magnegatibo sa resulta ng test at idineklara na ring nakarekober na ng halos 24 oras sa virus.
Subalit base sa bagong pag-aaral, tinatayang mayroong dalawang linggo kung saan lumalabas pa rin ang mga sintomas nito at may mild covid-19 naman na nararamdaman ang mga clinically recovered patients, ayon sa agency.
"We are aware that some patients are PCR positive after they clinically recover, but we need systematic collection of samples from recovered patients to better understand how long they shed live virus," ayon sa statement.
Nananatiling palaisipan para South Korean health officials ang naging kondisyon ng mga pasyente doon, kaya nagsagawa na sila ng epidemiological investigations sa ngayon.
"As COVID-19 is a new disease, we need more epidemiological data to draw any conclusions of virus shedding profile," sabi ng WHO.





Comments