Mas makakatulong vs. COVID-19... Anti-Duterte, manahimik! — Cong. Yap
- BRT
- Apr 12, 2020
- 1 min read

Dapat ngayong panahon ng krisis ay manahimik na muna ang mga kritiko ng gobyerno at hindi dapat ipagsawalang-bahala ang utos na manatili sa loob bahay para sa kaligtasan ng lahat.
Ito ang reaksiyon ni ACT-CIS Cong. Eric Yap sa pahayag ng isang opposition lawyer hinggil sa paglabag sa konstitusyon ang pag-quarantine sa mga tao at pagdakip sa mga kabataan na lumalabag sa curfew.
“Ano ba ang mas mahalaga, ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan o ang karapatan ng isang tao,” aniya Cong. Yap.
“Besides we are under national health emergency na ibig sabihin kailangan ng kamay na bakal ng gobyerno para hindi na kumalat pa ang virus at maiwasan ang libo-libong mga Pilipino na mamatay,” dagdag pa ng mambabatas.
Aniya, madaling sambitin na labag sa konstitusyon ang pagpigil sa mga tao na gumala, pero ginagawa raw ito ng pamahalaan para din naman sa kaligtasan ng lahat.
Payo nito sa mga kritiko ng gobyerno, mas makatutulong sila kung manahimik na lang at makipagtulungan sa pamahalaan.





Comments