top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Magsasaka sugatan sa kaalitan

  • BRT
  • Apr 12, 2020
  • 1 min read

Quezon—Sugatan ang isang magsasaka nang barilin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Bignay 1, Sariaya.

Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Arniel Abdon, samantalang ang suspek ay si Sofio Manalo, kapwa residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nasa loob ng kanyang bahay si Abdon nang pumasok ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.

Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak si Abdon sa ospital, samanatalang kaagad namang nadakip ng pulisya ang suspek.

Nakapiit na si Manalo na nahaharap sa kasong frustrated murder.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page