top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Abril 12, 2020 (Linggo)

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 12, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Abril 12, 2020 (Linggo): Habang lumalakad ang iyong mga panahon, ikaw ay paangat nang paangat hanggang lubos na matutupad ang iyong mga pangarap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makukuha mo ang mga kagustuhan mo kahit nasa bahay ka lang dahil noon pa man ay nakatakda nang sa mga araw na ito ay malubos ang iyong kagalakan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Habang nasa bahay ka, isipin mo na kung ano ang pagkakaabalahan mo kapag ang mga tao ay muling lumaya. Sa ganitong paraan, mabilis mong mapalalago ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-beige.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi naman sagabal sa pagsasaya mo ang pananatili sa bahay. Iba na ngayon ang mundo at sobra nang moderno nito kaya ang pagsasaya ay puwedeng gawin kahit nasaan ang tao. Masuwerteng kulay-blue.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong kahabagan ang iyong sarili, sa halip, dapat kang magalak dahil ang pananatili mo sa loob ng bahay ay magbubunga ng pananariwa ng iyong lakas at sigla. Masuwerteng kulay-black.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ipagpatuloy mo ang pakikibahagi mo sa gawaing nagpapakita ng malasakit sa mga nag-aalaga ng may sakit. Isang magandang adbokasiya mo ang napili mong isabuhay ngayon. Masuwerteng kulay-violet.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hanapin mo ang landas ng pagkakaunawaan dahil kapag nagkakaunawaan ang pamilya, mas sumasaya at handang labanan ang anumang problemang puwedeng dumating. Masuwerteng kulay-peach.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghanda-handa ka na at ito ay muling ipinaaalala sa iyo dahil pagkatapos ng pananatili sa bahay, ang buhay mo ay magiging abala sa mga makabuluhang mga proyekto. Masuwerteng kulay-red.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pilitin ang ayaw maniwala. Sa huli, magsisisi sila at hahanapin ka para humingi sa iyo ng payo sa sasapitin nilang sobrang malaking problema. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masuwerte ka sa araw na ito dahil ang mismong mga suwerte ang humanap sa iyo. Ibahagi mo sa iyong kapwa ang ilang biyaya at pagpapala na mapasasakamay mo. Masuwerteng kulay-white.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumalma ka lang sa harap ng nakakagalit na kaganapan. Mas malalaking suwerte ang inihahanda sa iyo ng langit pagkatapos ng utos na pananatili sa bahay. Masuwerteng kulay-green.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga manunukso, lalo na ang mga makatingin ay parang gusto kang lamunin. Ipagdasal mo na lang sila nang hindi sila maparasuhan ng makapangyarihang langit. Masuwerteng kulay-yellow.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Binabalikan ng karma ang mga taong umaabuso sa kanilang katungkulan. Sa huli ay mapapahiya sila sa harapan ng kanilang mga dinaya at inapi na mabababa ang kalagayan sa buhay. Masuwerteng kulay-purple.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page