Totoo at pang-forever na friendship, kailangan ng isinilang sa Year of the Rabbit dahil laging sinas
- Maestro Honorio Ong
- Apr 11, 2020
- 2 min read

Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa magiging kapalaran ng 12 animal signs ngayong Year of the Metal Rat.
Sa pagkakataong ito, ang tatalakayin natin ay ang ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Rabbit o Kuneho.
Kung ikaw ay isinilang noong 1915, 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011 at 2023, ikaw ay nasa ilalim ng Rabbit Personality.
Bukod sa likas na pagiging mabait, taglay din ng Kuneho ang likas na pagiging matulungin at madali niyang nararamdaman ang pangangailangan ng ibang tao, lalo na ang mga kapus-palad. Dahil dito, palagi siyang pinagpapala ng langit nang hindi niya namamalayan, kaya madalas na may dumarating sa kanilang malalaki at bultu-bultong suwerte. Kaya naman sinasabing bukod sa Dragon, ang Rabbit ay isa sa mga pinakamapalad na animal sign sa Chinese Astrology.
Dagdag pa rito, bukod sa pagiging mabait, taglay din ng Kuneho ang pagiging mahinahon at matagal magalit. Gayundin, kapag nagagalit sila, karaniwan nilag sinasarili at kinikimkim ang galit kaya kadalasan, matatagpuan mo ang Kuneho sa isang sulok na nagmumokmok at hindi kumikibo. Sa ganitong sitwasyon, napakahalaga ng kaibigan para sa kanila. Tunay ngang bukod sa pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa mahihirap, ikinaliligaya rin ng Kuneho kung siya ay makatatagpo ng tapat at panghabambuhay na kaibigan, hindi lang ito ay kanyang ikaliligaya kundi ang pagkakaibigang ito ang siya ring magbibigay sa kanya ng suwerte at magagandang kapalaran.
Ang problema lamang sa Kuneho, dahil siya ay mabait, tahimik at matulungin, minsan ay napagbibintangan siya na mabagal kumilos at magpatupad ng mga plano. Kumbaga, iniisip at inaakala ng iba na siya ay may weak personality, pero hindi naman ganu’n dahil tulad ng nasabi na, dahil taglay ng Kuneho ang ruling planet na Neptune, mabagal siyang kumilos at magpatupad dahil matalas ang kanyang imahinasyon at taglay na kaisipan, kaya bago siya kumilos, iniisip niyang mabuti kung ano ang plano at dapat gawin. Sinasabing kung bibilisan lamang ng Kuneho ang lahat ng kanyang ginagawa at hindi na siya nagdadalawang-isip pa o kung ang plano na kanyang inisip ay agad niyang ipatutupad, makasusumpong tayo ng tagumpay at pag-unlad na isang Kuneho.
Kung pahabaan ng buhay ang pag-uusapan, sinasabing “In Chinese mythology, the Rabbit is a symbol o longevity,” sinasabing humahaba ang buhay ng Kuneho dahil alam niya ang pormula o lihim kung paano ipepreserba ang kanyang kalusugan at ang ikinaganda pa nito, kahit hindi niya alam, dahil sa taglay niyang kabaitan, likas siyang iniiwas ng langit sa kapahamakan at anumang uri ng sakuna.
Itutuloy




Comments