Tent na ipinatatayo nina Angel sa mga ospital, ipinatigil ng DOH
- Nitz Miralles
- Apr 11, 2020
- 4 min read
Nitz Miralles / Bida
Easter Sunday na bukas at sana, kasabay ng pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesukristo, mawala na ang COVID-19.
Nakakapanlumo ang balita ngayong Black Saturday na may 152 doctors at 63 nurses ang nag-test na positive for COVID-19. Tapos, makikita mo sa litrato ang isang palengke sa Quezon City na punumpuno ng tao na parang piyesta sa rami.
Hindi uso ang social distancing sa mga taong nasa palengke, dikit kung dikit at hindi yata alam ng mga taong ‘yun na ipinagbabawal ang pagkukumpulan.
Kahit may face mask na suot, iba pa rin kung nag-iingat.
***
KC, naglagay ng paprika sa pasta, sinabihan ng 'g*ga' ng netizen

Dahil sa ingredient na paprika na inihalo ni KC Concepcion sa inilutong pasta, natawag siyang "g*ga" ng isang mainit ang ulong netizen na wala yatang pambili nito.
Sabi ba naman ng netizen na pinanood ang paghahanda ni KC ng pasta, “Dislike! Saan bibili ng mga ingredients kung sa palengke lang ang punta nila? Be practical, hindi ka nakakatulong sa mga kababayan na sa palengke lang ang takbo...paprika?! G*ga!”
Mahinahon pa ring sinagot ni KC ang mainit ang ulong netizen.
Aniya, “Hindi ko na ba ise-share 'yung mga iniluluto ko gamit ang laman ng pantry ko, ate kong bad mood? Pati gluten-free pancakes, honey, cinnamon powder, chocolate spread, hindi na ba puwedeng i-share sa mga followers ko? G*ga na agad ako, nag-share lang ng totoong iniluluto sa bahay... hindi naman sinabing exact ingredients ang gamitin. Hindi ko pa nai-post ang quinoa at ube pandesal, galit ka na agad.”
May chef na nakabasa sa comment ng bad mood na netizen at sa sagot ni KC. Tinuruan niya ang netizen ng ingredients na puwedeng ipalit sa ginamit ni KC sa pagluluto ng pasta.
Mabuti na lang talaga at kahit naba-bash tuwing may ipino-post, hindi pa rin nagagalit si KC, hindi nga niya binubura ang bashing sa kanya at ang least na kaya niyang gawin ay i-disable ang comment box sa iba niyang post.
Speaking of KC, kasama siya sa mga talents ng Cornerstone Entertainment na sasali sa KanTAHANAN: Isang Pagsaludo sa mga Mahal Nating Frontliners, musical treat dedicated to all the frontliners. Magaganap ito this Easter Sunday, at 8 PM. Nakalagay na mapapanood ito sa CSTVLive.
Kabilang sa mga makakasama ni KC sina Catriona Gray, Ruffa Gutierrez, Jessa Zaragoza, Jay-R, Sam Milby, Empoy, Gil Cuerva, Angeline Quinto, Pooh, Erik Santos, Yeng Constantino, Jaya, Julia Montes, Moira, Kyla, K Brosas at Rachelle Ann Go.
***
HINDI malayong magkatotoo ang minsang nai-post ni Dingdong Dantes na after ng lockdown, marami sa mga kasama niya sa cast ng Descendants of the Sun ang mataba na.
Baka nga kasama si Dingdong sa mga tataba dahil sa masasarap na iniluluto ni Marian Rivera, mula sa gulay hanggang dessert gaya ng leche flan, hazelnut brownies at banana bread. Pati nga pandesal, gumawa si Marian at hindi na nila kailangang bumili pa sa labas.
Anyway, habang hindi pa uli umeere ang DOTS, sa Alyas Robinhood 1 at Amazing Earth muna mapapanood si Dingdong.
Sa Amazing Earth this Sunday, ibinalik ng GMA-7 ang episode na umere noong October 27. Makikilala ang Super Lola na 122 years old na at guest si Kelly Day, ang Ms. Eco Philippines 2019. Mula ito sa direksiyon ni Rico Gutierrez.
***
TENT NA IPINATATAYO NINA ANGEL SA MGA OSPITAL, IPINATIGIL NG DOH

NAGPALITAN ng “hero” comments ang engaged couple na sina Neil Arce at Angel Locsin na mababasa sa Instagram (IG) account ng una.
Nauna si Angel sa pagsasabing “My hero” na sinagot ni Neil ng “@therealangellocsin you’re my hero!”
Kaugnay nito, may post sina Angel at Neil tungkol sa sanitation tent na kanilang idino-donate sa different hospitals na ang perang ginagamit sa pagse-setup ay galing sa mga donors sa
#UniTentweStand campaign.
Binanggit sa post na ginawa ang campaign para mabawasan ang over crowding sa mga hospitals ng COVID-19 patients.
Nakapag-setup sila ng 69 tents in different hospitals. Nag-setup din ng sanitation tents sa request ng mga hospitals “to help decrease the viral load for those coming in and out of their health care facility.”
Part din ng advisory na inilabas nina Angel at Neil, "Respecting the DOH latest announcement dated April 10, 2020 at 5 PM, #unitentwestandph would no longer be donating sanitation tents but will still continue to help our healthcare frontliners with tents that they may use for themselves or for patient care.”
May nag-comment na nakaka-cancer ang mga chemicals na ginagamit sa sanitation tent at sinagot siya ni Angel, “Depende sa chemical na gamit. Iba-iba kasi 'yan. At dapat may certification.”
May paglilinaw din si Angel sa advisory tungkol sa sanitation tent.
Aniya, “The team was able to find a credible supplier complete with certification of effectivity and safety.”
So, ano kaya ang rason at ipinatigil ng DOH ang pagse-setup ng sanitation tents sa mga ospital? Gusto ring malaman ng mga netizens ang rason ng DOH.
***
Kahit may lockdown pa...
Alden, bubuksan na ulit ang fast food business sa Laguna

Bubuksan na uli nina Alden Richards ang kanilang franchise branch ng McDonald’s sa Biñan Highway sa Laguna bukas, Sunday (April 12). Pero may mga ipatutupad at ipasusunod silang regulations na ang hindi susunod, hindi papapasukin.
May nakapaskil sa pintuan na “Strictly No Mask No Entry," kaya ang may balak na bumili at kumain, kailangang may suot na mask.
Ipatutupad din ang social distancing sa loob at nakita naming magkakalayo ang upuan at inalis muna ang mga tables. Bawal muna ang magbabarkada na kakain at kung may magkasama man, hindi sila magtatabi sa loob.
Mabuti na nga naman ang nag-iingat.





Comments