Sharon, Kiko at Frankie, piniyansahan ang mga Kadamay na nag-rally kahit ECQ, tinawag na kunsintidor
- Ronalyn Seminiano Reonico
- Apr 11, 2020
- 3 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Pinutakti ng mga bashers si Sharon Cuneta kamakailan dahil sa pagpipiyansa nila ng mister na si Kiko Pangilinan at panganay na anak nilang si Frankie sa mga lumabag diumano sa enhanced community quarantine (ECQ).
Ipinost ni Sharon ang screenshot ng pamba-bash sa kanya sa Instagram at mababasang: “Stay at home naman talaga dapat, eh, paano ‘yang mga tao, iba r’yan sa Luzon, ang titigas ng mga ulo.
Nagawa pang mag-rally sa gitna ng pandemic na ito na kesyo walang natatanggap at mamamatay na sila sa gutom. Where in fact, sa Luzon, Visayas at Mindanao, Luzon ang palaging nauuna pagdating sa tulong.
Bakit diyan lang parati ang maiingay, (sumasali pa ‘yung) mga artistang walang alam, pero kung maka-post sa Twitter[P1] , ‘kala mo, graduate ng law.
"Kami sa Mindanao, kahit walang relief or matagal nang walang relief goods, never naming sinisi ang government, never kaming nag-rally kasi kami sa Mindanao, ‘di kami mga tamad. Tapos ‘pag nahuli, like mga Kadamay na Leftists ay buhos-attention na ang mga ibang celebrity. Tapos ‘yung iba, sponsor agad sa mga nakulong na palayain kaya nasasanay gumawa ng kalokohan kasi bine-baby.”
Isinama rin ni Sharon ang komento ng isang netizen sa naturang post kung saan makikita ang isang link tungkol sa isyu ng pagra-rally diumano at mababasang: “Basahin mo ang buong article ng mga hinuli. Hindi leftists at Kadamay ang nag-rally at hindi po rally ‘yun. Nag-antay sila ng ayuda. Alamin ang buong kuwento before you go accusing concerned citizens. Kayo itong maraming kuda pero puro fake news ang alam. Nabubuking tuloy kung sino ang kulang sa comprehension, utak at puso.
Please take your self-righteous rants elsewhere. Hilig n’yong umeksena sa IG ni Mega na milyun-milyong pesos ang ambag na tulong makaraos lang ang mga kababayan. ‘Kaloka ang mga Pinoy like you. Umayos kayo.”
Caption naman ni Sharon, “Enough said. Thank you. (Matthew 25:40 ‘And the King shall answer and say to them, ‘Truly I say to you, in as much as you have done it to one of the least of these my brothers, you have done it to me.’”)
Nagkomento si Angel Locsin sa naturang post ni Sharon at aniya, “Don’t mind her, Ate. Sayang ang energy kung magpapaapekto ka sa pagiging nega niya na as if makakasagot sa problema kung mang-away siya. Sana hindi ka magsawa sa pagtulong. Smile na Ate. We got you.”
Samantala, hindi pa rin tapos ang mga netizens sa pambabatikos kay Sharon at sa pamilya niya.
Anila, “Pabida ‘yang anak mong si Frankie. Imbes na hayaan munang makulong at magtanda, kinunsinti n’yo pa. Mas maigi ‘yung ipinampiyansa n’yo, itinulong n’yo sa mas nangangailangan.”
“Umamin na ‘yung leader ng Kadamay, ‘di ba? Fake news pa rin?”
“Totoo po ‘yung sinabi niya, tapos kayo pa ang may ganang tumulong sa mga lumalabag, ayan tuloy, lalaki ang mga ulo nila dahil din sa inyo.”
***
Angelica, nagpakain ng 300 frontliners at mga nasunugan

TAHIMIK lang si Angelica Panganiban sa Twitter pero sa Instagram, marami ang napa-wow sa generosity ng kuwela at magandang aktres.
Nag-post siya ng series of photos sa IG kahapon kung saan tila may piyesta sa dami ng pagkain at talagang nakakatakam, huh? Bukod sa pritong isda, may calamares pa, chopsuey, burger, atbp..
Aniya, “Kahapon po ay nakapagbigay kami ng 300 ready to eat meals para sa ating mga frontliners at ibang lugar sa atin na nahihirapan pang makakuha ng kanilang supplies.”
Pinasalamatan din ni Angelica ang mga tumulong sa kanya, gayundin ang mga nag-donate katulad nina Pocholo Barretto, Barbie Imperial, Smokey Manaloto, Marco Gumabao, Chie Filomeno, Neil Arce, atbp..
Sey pa ni Angge, “Naipadala po namin ang mga pagkain sa Diliman Doctors Hospital c/o Doc. Reg Santos, Philippine Heart Center c/o Dra. Longos, at sa AFP, kasama na rin ang mga nasunugan sa Caloocan kahapon.”
‘Katuwa naman ang komento ni Angel Locsin na “Penge lol.”
Sagot ni Angge, “Takam na takam din kami kahapon, Mars. Isang araw, lalamon tayo ulit sa Tipsy kapag tapos na ang lahat ng ‘to. Ingat lagi.”





Comments