top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Notoryus na tulak, dedo sa shootout

  • BRT
  • Apr 11, 2020
  • 1 min read

SOUTH COTABATO — Isang notoryus na drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Barrio Cinco, Banga.

Kinilala ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Francisco Lasin, residente ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nahalata umano ni Lasin na mga awtoridad ang kanyang katransaksiyon sa bentahan ng ilegal na droga kaya pinagbabaril nito ang pulisya.

Dahil dito, agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.

Nakarekober ang pulisya ng kalibre .38 revolver at anim sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page