top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Krisis sa ekonomiya, malabong masolusyunan ng gobyerno ‘pag naubos na ang kaperahan ng mamamayan

  • Ka Ambo
  • Apr 11, 2020
  • 2 min read

Hindi pa ngayon ang aktuwal na krisis.

Kumbaga, warning pa lamang ang nararamdaman natin!

◘◘◘

MARAMI pang produkto sa sari-sari store, palengke, bodega at

mga bagsakan.

Senyales ‘yan na may sapat na suplay!

◘◘◘

PERO may nagsasabing unti-unti nang nauubos ang istak sa mga bodega.

Mararamdaman ang kakapusan ng suplay ngayong Mayo.

Simula lang ‘yan ng krisis!

◘◘◘

BANDANG Hunyo, Hulyo at Agosto ang dapat paghandaan.

‘Yan ang mismong ikinababahala ni P-Digong.

Maaaring maubos ang pondo ng gobyerno.

Masasaid na rin ang cash ng middle class!

◘◘◘

MAAARING magkaroon ng gamot at mag-subside ang epekto ng epidemya sa

susunod na dalawang o apat na buwan.

Pero ang ekonomiya ay walang duda na babagsak!

◘◘◘

MALINAW sa graph na magpi-peak at kusang mawawala ang virus.

At malinaw din ang pagkabangkarote ng gobyerno at pribadong sektor.

Walang solusyon sa krisis sa ekonomiya kapag bangkarote ang negosyo at walang cash ang konsumer.

‘Yan ang aktuwal na krisis!

◘◘◘

DALAWA ang war fronts sa giyerang ito.

Una, ang virus.

Ikalawa, ang kawalan ng cash available!

◘◘◘

Madaling unawain ang sakit o virus—kusang naglalaho ang virus at tatalunin ‘yan ng immune system.

Pero paano tatalunin ng gobyerno ang krisis sa ekonomiya kung walang cash o walang suplay sa estante ng palengke?

◘◘◘

MAY karanasan ang mundo laban sa epidemya.

May karanasan ba ang Pilipinas at buong daigdig sa kakapusan ng food supply nang sabay-sabay?

◘◘◘

NAKAHANDA ang China sa krisis.

Nakahanda ba ang US at Europe sa depression?

Hindi papayag ang mga Kano na makaaangat ang China!

◘◘◘

BATAY sa kasaysayan, ang world economic crisis ay karaniwang ugat ng digmaan.

Habang may krisis, inaagaw ang momentum ng superpower.

Sa martial arts, kapag lumpo ang isa, lalo itong nilulumpo ng kaaway na nais magkampeon!

◘◘◘

KAILANGAN ng mga lider ng inobasyon at agawin ang oportunidad sa pagrekober.

Kailangan ng bawat isa ang diskarte para maging survivors sa krisis!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page