top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Abril 11, 2020 (Sabado)

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 11, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Abril 11, 2020 (Sabado): Isinilang ka para sa paglilingkod sa kapwa mo, lalo na sa mga mahihina. Alalayan mo sila at bigyan ng lakas.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tiwala sa sarili ang nagdala sa iyo sa tagumpay na iyong tinatamasa ngayon. Gayundin, ito ang magbibigay sa iyo ng marami pang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit hindi ka pabor sa nangyayari sa paligid mo. Maganda pa rin na makiayon ka sa kagustuhan ng marami dahil ang iyong pagkontra ay mauuwi lang din sa wala. Masuwerteng kulay-pink.

GEMINI (May 21-June 20) - Kailangan mo ng plano na susundin kapag ang mga tao ay pinalaya na mula sa pananatili sa bahay. Sa ganitong paraan, iiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-beige.

CANCER (June 21-July 22) - Kumapit ka sa pagmamahalan ng inyong pamilya. Ang pagmamahal ay isang malakas na puwersa na kahit ang mabigat na pagsubok ay inyong kakayanin nang sama-sama. Masuwerteng kulay-blue.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit malakas ang katawan, nagkakasakit ang tao. Wala nang higit na mahalaga kundi ang pagiging maingat. Sundin mo ang mga nakalatag na patakaran nang makaiwas ka sa problema. Masuwerteng kulay-black.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong maliitin ang simpleng nararamdaman na kakaiba at parang magkakasakit ka. Huwag mong kaligtaan na kahit kailan, ang pagiging maagap ay nakaiiwas sa mabigat na suliranin. Masuwerteng kulay-violet.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit mo papansinin ang nagdudunung-dunungan? Pakinggan mo lang mga awtoridad dahil sa ganitong paraan, hindi ka maliligaw sa kung ano ang tama at mali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit nadagdagan ang mga araw ng pagtitiis, ibinabalita ng iyong kapalaran na kapag malaya na ang mga tao, ang mga biyaya at pagpapala sa buhay mo ay dadagsa. Masuwerteng kulay-red.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Wala namang mangyayari kahit umangal ang maraming tao dahil madalas nating maranasan na ang kagustuhan ng mga namamahala ay nasusunod kahit hindi tama. Masuwerteng kulay-brown.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang mayroon ka, ‘yun ang itulong mo sa iyong kapwa dahil hindi mo naman matitiis na may naghihirap at walang malapitan na kahit sino. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kailangan mong lumabas kahit paminsan-minsan. Maghanap ka ng paraan para makalabas ng bahay, pero mag-ingat ka at isagawa mo ang pag-distansya sa mga tao. Masuwerteng kulay-green.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ingatan mo na tumaba ka nang husto dahil ang pagiging mataba ay hindi maganda sa kalusugan at maaaring pagmulan ng karamdamang mahirap lunasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page