top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Anne at Erwan, pa-surprise epek sa mukha ng anak para maraming views at likes sa socmed

  • Julie Bonifacio
  • Apr 11, 2020
  • 3 min read

Binibitin ni Anne Curtis ang mga netizens sa pagpapakita ng mukha ng baby nila ng mister niyang si Erwan Heussaff sa social media.

More than a month na ang baby nina Erwan at Anne na si Dahlia Amélia at panay ang post ng mag-asawa ng piktyur ng bagets sa kanilang Instagram account. Kaya lang, 'di naman nakikita ang mukha ni Baby Dahlia.

May pa-surprise or gimik siguro na gustong gawin sina Erwan at Anne. Siyempre, sayang naman kung basta na lang nila ipapakita ang mukha ni Baby Dahlia sa social media.

Sayang din ang milyun-milyong views, likes at kung anu-ano pang puwedeng pagkakitaan sa kanilang social media accounts. Can't blame Erwan and Anne, 'yun naman kasi ang uso ngayon among our celebrities. Kani-kanyang gimik sa social media, 'di ba?

Tiyak, marami na rin ang excited na makita ang result ng pinagsamang ganda ni Anne at ng kaguwapuhan ni Erwan sa first-born nila.

Anyway, isa rin sa mga guests nina Matteo Guidicelli at Kean Cipriano sa kanilang One Voice Pilipinas online fundraising project si Erwan. Isa sa mga naging discussions nina Matteo at Kean with Erwan, plus Kim Atienza, ay ang tungkol sa tattoo sa kanilang katawan.

Napansin kasi ni Kean ang tattoo ni Kuya Kim sa braso. Knows naman natin na isa si Kean among our local artists na may maraming tattoo sa katawan.

"Kuya Kim, ang ganda ng tattoo mo, ah? Kanina ko pa siya tinitingnan."

Sagot naman ni Kuya Kim, "Marami 'yan. Alam mo, mag-isa siyang dumadami, eh. Nagsimula 'yan, isa lang."

Ipina-tattoo raw ni Kuya Kim sa kanyang katawan ang birthday ng mga anak niya.

"Kaya hindi ko na nakakalimutan. But the most important date in my life...this is my wedding anniversary. Matteo, ipa-tattoo mo 'yan," na ang tinutukoy ni Kuya Kim ay ang wedding date nila ni Popstar Royalty Sarah Geronimo.

"I was really… I was telling Sarah that. Sabi ko, 'Love, can we put 2-20-20?'"

Hindi pa natatapos si Matteo ay biglang nagsalita si Erwan, "You should have that also inside your ring."

"Yeah, I have that," sabi ni Matteo kay Erwan.

Kuwento naman ni Erwan, nagpa-tattoo raw siya sa New Zealand nu'ng ikinasal sila ni Anne. Pagkatapos ay hinamon ni Erwan si Matteo na magpa-tattoo na rin.

"(It's) Your turn Matteo. Put Sarah's face here," sabay turo ni Erwan sa kanyang dibdib.

Pagkatapos ay tumayo agad si Matteo sa kanyang kinauupuan.

"This is the first time I'm going to show this, okay?" ngiti ni Matteo.

Ipinakita ni Matteo ang malaking tattoo niya bilang Philippine Army Reservist sa kanyang kanang hita.

"I wanna see higher," biro ni Erwan kay Matteo.

Kantiyaw pa ni Kean, "For nine million! Hahaha!"

Sad to say, 'di nagpadala sa kantiyaw si Matteo to show his legs in public.

♥♥♥

Pooh at Maja, nagtulong para mapakain ang mga frotliners sa mga ospital sa south

Nasilip namin ang Instagram account ng komedyanteng si Pooh at nakita namin ang mga ginawa niyang tulong para sa mga frontliners.

May pa-#foodforthefrontlinersproject na naka-attach si Pooh sa kanyang mga post sa Instagram. Ito marahil ang grupong pinangungunahan niya in helping our kababayans during COVID-19 pandemic.

In fairness kay Pooh, ang dami na pala niyang napadalhan ng pagkain hindi lang 'yung mga nasa ospital kundi pati sa mga sundalo natin sa checkpoint, pulis, metro aide, security guards, staff ng groceries at pharmacists.

Ilan sa mga ospital na dinalhan naman niya ng pagkain at PPEs ay ang Northern Samar Provincial Hospital (kung saan 150 PPEs, 10 gallons of alcohol and 500 pieces ng mask ang ibinigay niya sa tulong ng mga kaibigan niya from Singapore at Banana Sundae), St. Victoria Hospital, UDMC Hospital, Capital Alliance Hospital at Cardinal Santos Hospital (courtesy of Atayde family).

Pinasalamatan naman ni Pooh ang kaibigan niya at aktres na si Maja Salvador sa tulong nito. Lahat daw ng ospital sa South ang napadalhan nila ng pagkain mula sa tulong na ibinigay ni Maja.

Binanggit din ni Pooh ang mga pangalan ng mga ospital sa South na pinadalhan nila ng #foodforthefrontlinersproject mula kay Maja. Ito ay ang Las Piñas Doctors Hospital, Las Piñas City Memorial Hospital, Ospital ng Parañaque, Parañaque Doctors Hospital at Medical Center Parañaque.

Mabuhay ka, Pooh!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page