Kapakanan ng mga kolektor ng basura, street sweeper, janitor at iba pang sanitation workers, ‘wag de
- Imee R. Marcos
- Apr 8, 2020
- 1 min read
Alam ninyo ba na maging ang mga garbage collector, street sweeper, janitor at iba pang sanitation workers na nasa frontlines ay dapat din nating kilalanin ngayong may krisis sa ating bansa?
Tingin ko kasi parang nakaliligtaan o nakalilimutan natin silang pahalagahan. Alam ba ninyong tulad ng mga medical workers na nasa frontlines ngayon, ganundin sila! Expose rin sila hindi lang sa bakterya, kundi lalo na sa mga posibleng carrier ng virus sa tuwing nangongolekta ng mga basura at naglilinis ng mga kalat.
Buwis-buhay din sila. Imagine, sila ang mga naglilinis at kumukolekta ng dumi at basura sa mga ospital at hindi malabong nakaka-encounter sila ng basura galing sa mga naging pasyente ng COVID-19.
Mahalaga ang papel na kanilang ginagampanan ngayong krisis, kaya panawagan ko ay ‘wag naman balewalain ang kanilang mga hirit na kaunting ayuda para makaagapay ngayong panahon ng COVID-19. Napakaliit ng kanilang kinikita tapos kayod-kabayo pa!
May nabalitaan ako na nagtitiis na P100 lang ang kita sa pangongolekta ng mga basura ng ilang garbage collector para may maiuwing pagkain sa pamilya.
‘Eto pa, maituturing din nating mga nasa frontlines ang maliliit na manggagawa sa mga grocery at supermarket na lantad din sa posibilidad na mahawa sa COVID-19, pero sumusugal para mabuhay. Bukod d’yan, isama na rin natin ang iba pang frontliners tulad ng mga sundalo, pulis, immigration personnel, couriers, cargo handlers ng mga suplay ng pagkain at mga driver ng mga shuttle service sa staff ng mga ospital.
Please, sa ating mga taga-gobyerno, pasuwelduhin sila nang maayos, bigyan din natin sila ng ayuda at heavy duty na proteksiyon kontra sa virus.





Comments