2 huli sa overpriced na medical supply
- BRT
- Apr 8, 2020
- 1 min read
ISABELA — Dalawang katao na nagbebenta ng overpriced na medical supply ang dinakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. San Pedro, Aurora.
Kinilala ang mga suspek na sina Eliza Baracao at Lorenzo Santos, kapwa residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng overpriced na medical supply ang dalawang suspek kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad laban kina Baracao at Santos.
Nang pagbentahan nina Baracao at Santos ng overpriced na medical supply ang pulisya ay dito na dinakip ng mga awtoridad ang dalawang suspek.
Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa mga kaukulang kaso.





Comments