top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga residenteng 'di raw nabibigyan ng relief goods, hinatiran ng isang trak ng bigas, tuyo at da

  • BRT
  • Apr 7, 2020
  • 1 min read

Isang trak na bigas, tuyo at daing ang ipinamigay sa mga residente ng dalawang barangay sa Quezon City.

Ayon kay ACT-CIS Rep. Eric Yap, nakatangap sila ng text mula sa mga residente ng Bgy. Pasong Tamo at Bgy. UP Campus na hindi pa sila nabibigyan o nahahatiran ng relief goods ng pamahalaan.

Ani Yap, kahit papaano ay makatutulong na pantawid gutom sa mga residente ang kabuuang 50 kaban ng bigas at 100 kilo ng dried fish.

Patuloy naman ang panawagan sa iba pang pulitiko na tumulong na rin sa pagbibigay ng makakain sa mga kababayang nakararanas ng gutom dahil sa COVID-19.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page