Marlon, hiniwalayan ni Pia dahil sa kambal na anak sa model
- Erlinda Rapadas
- Apr 7, 2020
- 3 min read
Erlinda Rapadas / Teka Nga

Very open na nga si Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach sa bago niyang inspirasyon ngayon, ang rugby player at travel & lifestyle editor na si Jeremy Jauncey.
Wala pang lantarang pag-amin sa real status ng kanilang relasyon pero sa kanilang post sa social media ay mararamdaman na may "something" nang nabubuo lalo na 'yung palitan nila ng mensahe noong nasa Bali, Indonesia si
Pia.
Samantala, sa paglantad naman ng modelong si Kit Barraquias kung saan may anak na kambal si Marlon Stockinger, marami ang nagsasabing ito ang dahilan kaya nakipag-break si Queen P. sa kanya.
Seven years old na ang twin girls na anak ni Marlon kay Kit. Halos sampung taon ang agwat ng edad ng sexy model kay Marlon. Naging cover girl ng mga men's magazines si Kit at nakasama sa FHM's Top Sexiest noong 2012.
Ayon sa isang panayam, 4 months preggy ang model nang maghiwalay sila ni Marlon. Hindi raw siya humingi ng suporta para sa kambal niyang anak dahil may trabaho siya at kaya niyang buhayin ang mga ito.
***
Kris, natauhan sa luho dahil sa lockdown

SA recent post ni Kris Aquino sa kanyang social media account, aniya ay na-realize niya na sa panahon ng krisis tulad ng COVID-19 pandemic, eh, hindi na kailangan na marami kang damit at sapatos.
Inabot ng lockdown sa Puerto Galera ang mag-iinang Kris, Josh at Bimby at kinapos na sa isusuot na damit, kaya sa Puregold Puerto Galera na lamang sila namili ng isusuot na t-shirt at shorts.
Naalala tuloy namin 'yung napanood naming video ni Kris noong nagbakasyon silang mag-iina sa Japan. Pinasok nila ang malaking outlet ng Havaianas at doon namakyaw ng flipflops si Kris na iba't iba ang kulay at design, ganu'n din sina Josh at Bimby.
Maraming celebrities ang mistulang nagho-hoard din ng kanilang mga mamahaling stuff (bags, shoes, clothes) na nakatambak lang sa kanilang mga closets at hindi gaanong nagagamit.
For sure, ngayong Luzon lockdown kung saan nananatili tayo sa ating tahanan ay na-realize ng mga celebrities na hindi naman nila magagamit at mapapakinabangan ang mga mamahalin nilang gamit kung sila ay dapuan ng COVID-19.
Pero, may ilang artista naman na nagpa-garage sale/tiangge ng kanilang mga pre-loved bags, shoes, clothes at idino-donate sa charity ang kikitain, tulad noon si Sharon Cuneta na nag-unload ng kanyang mga damit at idinoneyt sa charity upang makatulong.
Sana, gayahin din ito ng ibang celebrities.
***
MARAMING dapat ipagpasalamat ang magaling na aktres na si Iza Calzado ngayong naka-survive siya sa COVID-19 at nabigyan ng second chance na mabuhay.
Marami siyang realizations sa buhay at lalo siyang napalapit sa Diyos. Dasal ang nagsilbing ilaw ni Iza noong panahon na nakikipaglaban siya sa COVID-19.
Ngayon niya mas na-appreciate ang buhay, ang pagbibigay ng oras sa kanyang mga mahal at pagpapahalaga sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay.
May mga nagtatanong naman kung willing ba si Iza na mag-donate ng dugo para maisalba ang ilang COVID-19 patients. Ani ng aktres ay very much willing siya para makatulong.
***
MAGANDA ang binabalak ng GMA news anchor na si Arnold Clavio na pagbibigay ng tribute sa mga bagong bayani natin ngayon — ang mga doktor, nars, med techs, atbp. frontliners na isinusuong ang buhay sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Ito ay ang video tribute ng mga Kapuso stars and singers para sa mga totoong idol sa panahon ng pandemiyang COVID-19 sa ating bansa.
Ang mga Kapuso singers/artists ay magbibigay-pugay sa ating mga health workers at frontliners.
Ang tema ng video tribute ay Hindi Ako ang Tunay na Idol Mo at ito ay pangungunahan nina Alden Richards, Dingdong Dantes, John Estrada, Cesar Montano, Rocco Nacino, Lovi Poe, Janno Gibbs,
Martin Nievera, atbp. celebrities.
Makabuluhan ang hatid na mensahe nila para sa ating mga bayaning health workers at frontliners.
***
Child star na kapatid ni Ivana, biglang nawala sa showbiz

ANO na kaya ang pinagkakaabalahan ngayon ng dating child star na si Mona Louise Rey na dating lumalabas sa mga serye ng GMA Network? Hindi na kasi siya napapanood lately kahit uso pa rin naman ang mga child stars ngayon.
Halos kaedad na ni Mona ang mga young stars na bumibida sa Prima Donnas na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan.
Nag-aaral na lang kaya ngayon si Mona at ipinauubaya muna sa kanyang Ate Ivana (Alawi) ang showbiz?
Pero sa mga vlogs ni Ivana, minsan ay nakakasama niya ang kanyang mommy at younger sister na si Mona.
Natatandaan naming nagkasakit noon ng diabetes si Mona dahil sa sobrang hilig niyang uminom ng iced tea. Pumayat siya noon.
Ngayon, sumikat na ang kanyang Ate Ivana at maraming projects ang naka-line-up na gawin. Baka gusto ni Mona na muling balikan ang kanyang showbiz career, hindi naman sila magkakaroon ng sibling rivalry ng kanyang Ate Ivana dahil magkaiba ang kanilang career image. Mas gusto ni Ivana na makilala bilang sexy star.





Comments