top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Diskriminasyon sa nagpositibong pasyente at health workers, nagpapalala ng COVID-19

  • Ryan B. Sison
  • Apr 7, 2020
  • 2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

“Gusto ko lamang pong sabihin sa lahat, pakiusap, huwag mamahiya ng mga taong may COVID-19.”

Dahil hindi lang frontliners, partikular ang health workers ang nakararanas ng diskriminasyon, sakop din nito ang mga coronavirus patients at patients under investigation (PUI).

Kaugnay nito, nakikiusap ang Department of Health (DOH) sa publiko na ‘wag pahiyain o i-discriminate ang mga kababayang positibo sa COVID-19 dahil maaari itong makaapekto sa pagsisikap ng bansa na labanan ang sakit.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakalulungkot umanong makarinig ng mga kuwento ng mga COVID-19 patients at exposed health care workers na nakararanas ng diskriminasyon at stigma.

Dagdag pa ni Vergeire, ang stigma laban sa mga pasyente ay maaaring makapanghikayat ng iba pang pasyente na itago ang kanilang kondisyon na lalong magpapahirap sa mga health workers at gobyerno na masugpo ang virus.

Samantala, hinihikayat ng national government task force laban sa COVID-19 pandemic ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng batas na magpaparusa sa sinumang mamamahiya sa frontliners, migrant workers at confirmed/suspected coronavirus patients.

Hindi pa rin talaga tapos ang usaping diskriminasyon laban sa ating kapwa.

Nakadidismaya lang dahil parang hindi nauunawaan ng ilan na wala namang may gusto na madapuan o ma-expose sa virus.

‘Yung iba r’yan, mangangatwiran na nag-iingat lang. Sige, sabihin na nating nag-iingat kayo, pero kailangan bang mamahiya?

Dahil sa ginagawa ninyo, mas pinipili ng ibang pasyente na manahimik na lang kahit may iniindang sakit para lang hindi pandirihan ng mga tulad ninyo. Tsk!

Huwag naman sanang ganyan. Sa halip na maging dahilan kayo para magsinungaling ang mga kababayan natin, hikayatin natin ang bawat isa na maging matapang at totoo.

Walang lugar ang pagiging nega sa gitna ng pandemya dahil ang kailangan natin ay ang suporta ng bawat isa upang malampasan ang hamon na ito.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page