Pabasa online, start na
- Mylene Alfonso
- Apr 6, 2020
- 1 min read

Sa kabila ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon, tuloy pa rin ang aktibidad ng Simbahan ngayong panahon ng Semana Santa.
Nabatid na magsasagawa ang pamunuan ng Quiapo ng mga aktibidad para sa Semana Santa, na isasagawa online.
Bukod sa pagpapalabas ng misa sa TV, mapapanood din ang misa sa official Facebook page ng Quiapo Church.
Magsisimula rin ngayong gabi ng Lunes ang Pabasa ng Pasiong Mahal, na mapapanood din sa Facebook page. May 3 set ang Pabasa -- una ay sa alas-7;00 ng gabi hanggang alas-11:00 ng gabi, pangalawa ay alas-11:00 ng gabi
hanggang alas-3:00 ng madaling-araw, at huli ay alas-3:00 ng madaling-araw hanggang alas-7:00 ng gabi.
Maaari naman umanong sumabay sa pagbasa ang mga viewer kung may kopya sila ng libro ng Pasiong Mahal sa kanilang mga bahay.





Comments