Ahas, 'di palaging tukso ang kahulugan
- Socrates Magnus
- Apr 6, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Nessa na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Nanaginip ako na maraming ahas ang pumasok sa bahay namin. Natakot ako at umakyat sa second floor, pero may mga ahas din pala roon. Binuksan ko ‘yung bintana at nakita ko na may mga ahas sa puno ng mangga.
Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Nessa
Sa iyo Nessa,
Ang ahas ay sinisimbolo ng tukso at ito agad ang maiisip ng karamihan, pero may isang kondisyon para masabing tukso nga ang ahas sa panaginip.
Una, ang ahas ay nag-iisa lang. Pangalawa, tutuklawin ng ahas ang nanaginip. Ang pangatlo ay malaki ang ahas.
Sa iyong panaginip, ang nasabing mga kondisyon ay hindi nakita kaya malinaw na ang ahas sa panaginip mo ay hindi tukso. Gayunman, ano kaya ang mga ahas na iyong napanaginipan na nasa bahay at bakuran ninyo?
Ang mga ahas sa panaginip mo ay simbolo ng kaligtasan laban sa anumang karamdaman. Ito ang ahas na nagpapagaling at nagliligtas at ito ang makikita sa malaking drug store sa atin dito sa Pilipinas.
May isang parang espada na may dalawang ahas na nakapulupot sa itataas ng parang espada. Ito ang piniling logo ng nasabing malaking drug store dahil ang ahas ay tulad ng nasabi na, ang pagkagaling sa anumamg sakit o karamdaman.
Dahil dito, masasabing ligtas sa inyong bahay kaya ipinapayo sa iyo na sundin ang paalala ng mga awtoridad na “stay at home”.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments