3,500 rental cars, nagliyab sa Florida airport
- Lolet Abania
- Apr 6, 2020
- 1 min read

FORT MYERS, FLA. – Mahigit sa 3,500 rental cars ang nagliyab at nasunog malapit sa Florida airport.
Nagsimula ang sunog sa 20 sasakyan na nakaparada sa madamong bahagi ng lugar kung saan ginagawang overflow lot ito ng mga car rental companies na nagseserbisyo sa Southwest Florida International Airport.
Agad na kumalat ang apoy sa 15 acres at nagliyab ang mga sasakyan. Inabot ng 18 oras at kinailangan pa ng 80 airdrops bago naapula ang apoy.
Ayon sa mga nakasaksi, kitang-kita nila ang lumilipad na apoy at nakarinig din ng maraming pagsabog habang patuloy na nilalamon ng apoy ang naturang lugar. May 3,850 sasakyan naman ang hindi nadamay sa sunog at wala ring naiulat na nasaktan, ayon sa airport spokeswoman Vicki Moreland.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog.





Comments