top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di raw tumutulong katulad niya... Mayor Isko, sinopla ng mga senador sa pagiging epal at pakial

  • Erlinda Rapadas
  • Apr 5, 2020
  • 3 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Nag-react na ang ilang senador sa lantarang paghamon ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga mambabatas na lumabas sila at tumulong sa mga taong nagugutom nang dahil sa COVID-19.

Ano raw ba ang ginagawa ng mga nahalal na magigiting na senador-congressmen upang tulungan-damayan ang ating mga kababayan na biktima ng Luzon lockdown at nawalan ng mga negosyo at hanapbuhay? Bakit daw hindi magsilabas ngayon ang mga senador upang mamahagi ng ayuda?

Nag-react sina Sens. Tito Sotto, Bong Revilla, Jr. at Ping Lacson at naglitanya kung anu-ano ang tungkulin ng mga halal na senador sa panahon ng krisis sa bansa.

May pasaring pa ang ilang senador na gawin na lang ni Yorme Isko ang kanyang trabaho bilang mayor ng Maynila at ipaubaya sa mga senador ang kanilang trabaho sa Senado.

Sa City Hall at sa mga barangay ng Maynila na lang dapat sumentro ang atensiyon ni Mayor Isko.

It seems medyo lumagpas na nga sa kanyang dapat na "zone" lang si Yorme Isko na pati mga senador, eh, binubulabog.

♥♥♥

Heart, nasa bahay lang, pang-fashion show pa rin ang OOTD

Bakit kaya sobrang pansinin ng mga bashers ang Kapuso actress na si Heart Evangelista na lahat na halos ng kanyang gawin at sabihin ay tinutuligsa/pinupuna?

Nang gumawa sila ng sosyal na face mask ay napintasan pa ng mga netizens. Nang mamahagi siya ng mga medical kits at food packs sa mga health workers at frontliners ay pinansin din ng mga bashers. At nang mag-post siya recently sa kanyang social media account ng kanyang mga pinagkakaabalahan habang naka-lockdown sa bahay ay meron pa ring nasabi ang kanyang mga haters/bashers.

Bakit daw kailangang magsuot pa ng mga sosyal at fashionistang damit si Heart habang gumagawa ng gawaing-bahay at todo-display ng kanyang mga branded outfits na animo'y rumarampa sa Paris?

♥♥♥

Maganda ang naisipan nina Derrick Monasterio at Jeric Gonzales na mag-concert via online na ang kikitain ay ido-donate nila at ipambibili ng mga medical kits para sa mga ospital na nangangailangan.

Magaling maggitara si Jeric at nahahasa na ring kumanta. May ginawa na siyang recording under GMA Music. Ni-revive ni Jeric ang kantang Line to Heaven.

Si Derrick naman, sanay sa mga birit songs at dati, siya ay kumakanta kapag may mall shows o mga regional shows na kanyang pinupuntahan.

♥♥♥

Good idea ang pagbabalik sa ere ng hit rom-com seryeng Meant To Be na pinagbidahan ng Kapuso young actress na si Barbie Forteza.

Apat ang leading men niya (Barbie) rito na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raj. Si L.A. Madridejos naman ang direktor ng Meant To Be.

Sa finale ng istorya, kay Ken (Yuan) napunta si Billie (Barbie) although dito sa Meant To Be sila nagkakilala nang husto ni Jak at nauwi sa pagkakaroon ng tunay na relasyon off-cam.

Ikinatuwa ito ng mga fans nina Barbie at Jak kaya hanggang ngayon ay masaya at solid ang kanilang pagmamahalan.

Si Ken naman ay tinanggap din bilang ka-love team ni Rita Daniela.

Sina Ivan Dorschner at Addy Raj ay madalang pa ang projects pero may mga guestings na rin sa mga shows ng GMA-7.

Memorable ito kina Barbie at Jak dahil sila talaga ang "Meant To Be".

Samantala, simula bukas (April 6) ay may pagbabagong magaganap sa line-up ng mga primetime shows ng Kapuso Network.

Ang 24-Oras ay eere ng 6:30 PM to 8:00 PM na susundan ng Encantadia from 8:00 PM to 8:45 PM. Ang Kambal Karibal naman ay mapapanood ng 8:45 PM to 9:30 PM, kasunod ang romantic comedy seryeng Meant To Be na 9:30 PM to 10:15 PM.

Pagtapos nito ay ang My Husbands's Lover, 10:15 PM to 10:55 PM. At ang Last Empress naman ay 10:55 PM to 11:30 PM.

♥♥♥

Hindi naman pala ungrateful ang showbiz tulad ng sinasabi ng ilang netizens.

Nasa showbiz pala ang mga taong may maawaing puso na tumutulong sa panahon ng krisis at kalamidad.

Nang matigil ang mga teyping ng TV shows at shooting ng pelikula, marami rin sa mga entertainment press ang nawalan ng pagkakakitaan. Natigil pa ang hard copy ng mga tabloids at sa online na lamang nababasa, kaya ang buhay-reporter ngayon ay no work, no pay din.

Apektado rin kaming mga press sa Luzon lockdown at enhanced community quarantine (ECQ). Karamihan sa mga freelance entertainment press ay breadwinner ng pamilya at nangungupahan lang. Kaya naman malaki ang pasasalamat ngayon ng aming mga kasamahan sa media sa mga celebrities na kusang-loob na nagpapadala ng ayuda. Sila ang mga earth angels na dumaramay sa panahon ng krisis at kalamidad.

Kung nahinto ang mga teleserye sa telebisyon, may "ayuda serye" namang nagbibigay ng pag-asa sa press people.

Marami-rami na silang bumibida sa "ayuda serye" sa pangunguna ng dalawang senador at isang poging actor-politician, isang dating mayor ng malaking lungsod, may mga datihang aktres, talent managers, atbp..

Bentahe rin sa press kung ma-PR at mabait sila sa mga artista, at least, natutulungan sila ngayon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page