top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Senior citizen, target ng deadly virus kaya dapat bigyan ng special treatment ng gobyerno, period!

  • Ka Ambo
  • Apr 4, 2020
  • 2 min read

Nag-viral si Francis Leo Marcos.

Kani-kanyang raket lang ‘yan.

Ha-ha-ha!

◘◘◘

INABISO ng mga eksperto na tatagal pa ang krisis.

Darami na ang lulutang ang utak!

◘◘◘

TULIRO ang gobyerno at hindi maunawaang mabuti ang datos na lumilitaw.

Simpleng sentido-kumon ang kailangan!

◘◘◘

UBOD nang linaw, pinaka-vulnerable at batay sa rekords—ang may edad 60 pataas ay may pinakamalaking tsansa na tamaan at mamamatay.

Malinaw ang datos—ang target ng COVID-19 ay ang mga senior citizen!

◘◘◘

DAPAT maglabas ng hiwalay na datos o istatistika ang DOH sa mga senior citizen na tinatamaan.

Ibig sabihin, may nagpositibo man o hindi—bantayan at ingatan nang “100 percent” ang mga senior citizen.

Ibig sabihin, tukuyin agad kung nasaan ang mga ito at suportahan nang todo!

◘◘◘

DAPAT maglaan ng hiwalay na badyet ang gobyerno upang bigyan sila ng mga gamit at ayuda para maiwasan ang virus.

Sakaling mapabilang sa mga PUI at PUM—agad silang suportahan nang todo.

◘◘◘

HINDI dapat isama, bagkus ay ihiwalay ang pagmomonitor at pag-aaruga at pagbibigay ng ayuda sa mga senior citizen.

Ang mga “non-senior” ay ligtas sa COVID-19—batay sa istatistika—dalawa hanggang tatlong percent lang ng kabataan ang casualty ng deadly virus.

Ito ay maliit lang kumpara sa ilang sakit o mas maliit kaysa sa ordinaryong trangkaso.

Ibig sabihin, kapag umatake ang ordinaryong trangkaso—ang mga namamatay ay nasa ganyang din porsiyento!

◘◘◘

BUKOD sa seniors, dapat ding suportahan nang gobyerno ang mga dati nang may sakit.

Ibig sabihin, ihiwalay agad at saklolohan ang mga dati nang may sakit—at ‘yan ang prayoridad sa pagbabadyet!

◘◘◘

MALINAW ngayon na ang mga matatanda, mga may sakit ay dapat unahin kaysa sa mga may malulusog na pangangatawan.

Imposibleng mamamatay sa gutom ang mga Pinoy.

Napakaraming suplay sa palengke.

Lahat ng produkto ay nasa palengke at sari-sari store!

◘◘◘

NAGKAKAROON lang ng taggutom kapag tagtuyot—tulad sa Africa.

Nagkakaroon lang ng taggutom—kapag walang suplay—tulad sa Panahon ng Hapon o World War II!

◘◘◘

WALANG tagtuyot sa Pilipinas.

Walang giyera, walang mananakop at walang military na namamaril.

Nananatiling ang “cabeza de barangay” ang may control ng mga lugar.

Imposibleng may mamatay sa gutom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page