NBI vs. Mayor Vico... Wala akong pakialam d'yan — P-Digong
- Mylene Alfonso
- Apr 4, 2020
- 1 min read

Dumistansiya si si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation laban kay Pasig City Mayor Vico Sotto.
Sa kanyang public address, inihayag ni Duterte na wala siyang kinalaman hinggil dito.
Giit ng Pangulo na sa kabila rin na charge siya sa pagtatakda ng mga polisiya, ipinaubaya na lamang niya sa mga ahensiya tulad ng NBI ang pagpapatupad nito.
Trabaho na umano ito ng kapulisan at wala na siyang pakialam pa rito ayon sa Punong Ehekutibo.
"'Yung kay Mayor Vico, isang beses lang ako nagsalita. 'Yung pag-proclaim ko ng (state of) emergency. Sabi ko huwag ito, huwag doon, huwag doon. Pagkatapos noon, wala na. Nandito lang ako...," ani Duterte.
"Wala akong pakialam sa operation ng NBI kung anong gusto nila. Karamihan d'yan mga abogado 'yan. Ang qualification kasi noon ng NBI, abogado, eh. Wala akong... Kayong mga... Huwag kayong... Hindi ako... Trabaho ng pulis 'yan. Nandito ako sa...," paliwanag pa ng Pangulo.
Matatandaang pinagpapaliwanag ng ahensiya si Sotto dahil umano sa paglabag nito sa direktiba ng pamahalaan kaugnay pa rin ng Coronavirus Disease 2019.
Dumepensa naman si Sotto at sumunod din agad siya sa polisiya matapos siyang pagsabihan ng mga nakatataas na opisyal na maghanap ng alternatibo sa paghahatid ng mga frontliner sa kanilang mga trabaho.





Comments