top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga pulitiko, lusot sa intriga ‘pag nagkaroon ng anomalya sa pamimigay ng tulong-pinansiyal ng gobye

  • Pabs Hernandez III
  • Apr 4, 2020
  • 1 min read

PABOR SA MAYOR AT KAPITAN NA DSWD ANG MAMIMIGAY NG PERA SA MAHIHIRAP—Pabor sa mga mayor at kapitan ng barangay ang desisyon ni P-Duterte na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mamamahala sa distribusyon ng tulong na P5K hanggang 8K sa mga mahihirap na naapektuhan ng krisis dulot ng coronavirus.

Dahil ang pera ay nasa pamamahala na ng DSWD at wala ito sa mga pulitiko, hindi na puwedeng intrigahin ng sinuman na kinurakot ng mayor at kapitan ang tulong-pinansiyal ng gobyerno, period!

◘◘◘

KAPAG NAGKAROON NG ANOMALYA, DSWD ANG BATIKUSIN, ‘WAG LGU—Sa totoo lang, dahil limitado ang mabibiyayaan ng tulong-pinansiyal, sumasakit na ang ulo ng mga mayor at kapitan sa dami ng gustong mapasama sa listahan o mabigyan ng form na Social Amelioration Card kung saan maging ang mga nakatira sa subdibisyon na nawalan ng hanapbuhay ay gusto rin makatanggap ng biyaya.

At ngayong DSWD na ang mamamahagi ng pera, kapag nagkaroon ng anomaly, national gov't. ang dapat batikusin ng publiko at hindi ang local government units, boom!

◘◘◘

HUWAG UMASA ANG MGA NABIBIGYAN NG RELIEF GOODS NA LAHAT AY MABIBIGYAN NG TULONG-PINANSIYAL—Ang akala ng karamihan ay lahat mabibigyan ng tulong ng DSWD. Fake news ‘yan dahil ang bibigyan lang ng ayuda ay 18 milyong mahirap na pamilyang Pinoy.

Kaya sa mga tablado, may hotline naman ang DSWD, doon kayo tumawag kung bakit hindi kayo nabigyan at ‘wag kayo magreklamo sa mga mayor at kapitan kasi wala naman sa kanila ang pera, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page