Duda sa mister na OFW dahil lumiit na ang padala at ‘di na masyadong nakakausap
- Roma Amor
- Apr 4, 2020
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Maeng, plain housewife at ang asawa ko ay OFW sa Singapore at isang chef Gayundin, may 3 years old na kaming anak na cute little boy. Maganda ang work niya at maayos ang kalagayan. Mabait din naman ang employer niya doon at tuluy-tuloy ang pagpapadala niya ng remittances sa aming mag-ina at taun-taon siyang umuuwi dito kaya 4 years na rin siya sa Singapore.
Nagtataka lang ako dahil unti-unting nababawasan ang padala niya sa aming mag-ina. Gusto ko sanang alamin sa opisina niya rito sa Manila kung anong dahilan kung bakit kulang na ang nakukuha kong suweldo niya, kaso baka magalit ang asawa ko. Madalang na rin ang pagtawag niya sa amin, parang isang beses na lang sa isang linggo. Iniisip ko na magtrabaho na lang ako para umuwi na siya rito sa ‘Pinas at baka nahihirapan na siya o baka may ibang pamilya na siya roon.
–Maeng
Maeng,
Mahirap talaga ang nagkakahiwalay dahil sa trabaho para magkaroon ng magandang buhay at kinabukasan ang pamilya. Maraming sakripisyo at pagtitiis ang ginagawa ng mga asawang OFW para hindi mahirapan ang naiwanan nilang pamilya dito sa Pilipinas. Gayunman, hindi tama na pagdudahan mo ang iyong asawa kaya mas mainam na tawagan mo siya at kausapin. Marami nang paraan para makausap mo siya, mayroon na tayong video chat, messaging apps at iba pa. Sabihin mo ang iyong alalahanin at tapatin siya sa iyong nararamdaman at anuman ang tunay na nangyayari sa kanya sa Singapore, pagtiwalaan mo siya. Taimtim mong ipagdasal sa Diyos na maging maayos ang kalagayan niya roon. Good luck!





Comments