Bebot, tiklo sa P136-K shabu
- Maeng Santos
- Apr 4, 2020
- 1 min read

Isang babae na umano’y tulak ng ilegal na droga ang arestado sa gitna ng enhanced community quarantine matapos bentahan ng shabu ang isang police poseur-buyer sa Malabon City, Biyernes ng gabi.
Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Rosie Dela Rama alyas Negra, 39, ng Bgy. Longos.
Ani Col. Tamayao, alas-11:50 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Balatan kontra sa suspek sa kahabaan ng Labahita St., corner Hiwas St., Bgy. Longos.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili ng isang sachet ng shabu sa suspek kapalit ng P300 marked money at nang magkaabutan na ng bayad at droga ay agad dinamba ng mga operatiba si Dela Rama.
Narekober ng pulisya sa suspek ang 29 sachets na naglalaman ng nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P136, 000 ang halaga at buy-bust money.





Comments